Sierra Madre mountain range, malaking tulong laban sa global warming

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,861 total reads

September 24, 2020-11:32am

Binigyang diin ng makakalikasang grupo ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan, lalu na ang Sierra Madre, ang pinakamahabang Mountain Range sa Pilipinas na sumasakop mula sa mga lalawigan ng Cagayan hanggang Quezon.

Ayon kay Fr. Pete Montallana-Chairperson ng Save Sierra Madre Network Alliance (SSMNA), napakahalaga ng patuloy na pangangalaga sa Sierra Madre dahil sa biodiversity na matatagpuan dito na maaaring magamit ng kalikasan upang maging pangontra sa mga virus sa kapaligiran.

“Mahalagang-mahalaga ang patuloy na pangangalaga natin sa Sierra Madre kasi marami tayong mga biodiversity, mga hayop at tsaka halaman na pwedeng nagagamit ng kalikasan para labanan ‘yung mga viruses na nasa paligid natin.”, ang pahayag ni Fr. Montallana sa panayam ng Radyo Veritas.

Paliwanag pa ng pari na malaki ang naitutulong ng Sierra Madre lalo na ngayong nararanasan ang global warming maging sa panahon ng mga kalamidad tulad ng mga bagyo.

Dahil ang mga punong kahoy ng kabundukan ang sumisira o bumabasag sa mata ng bagyo na nagiging dahilan ng paghina nito bago pa lamang ito mag-landfall.

“Bukod sa ang Sierra Madre ngayong grabe na ‘yung global warming, lalong mainit na at tsaka maulan, depende ay ang Sierra Madre ang siyang nagtatanggol pa sa atin sa mga effects ng climate change katulad ng sa bagyo. ‘Pag tumama ang bagyo sa Sierra Madre, binabasag niya yung bagyo. Kaya mahalagang-mahalagang pangalagaan ‘yun. Kasi kung wala na tayong Sierra Madre, ang lakas ng bagyo ay kasing lakas ng dumating sa atin.”, paliwanag ng pari.

Ang kabundukan ng Sierra Madre na tinaguriang “The Back Bone of Luzon”, ay may lawak na halos 287, 861 hektaryang lupa at halos 76, 625 hektaryang Coastline water.

Taong 1992 nang idineklara itong kabilang sa National Integrated Protected Area System.

Binubuo ito ng 1.4 na milyong hektarya ng kagubatan na katumbas ng 40-porsyento mula sa kabuuang sukat ng kagubatan sa Pilipinas.

Ipagdiriwang sa ika-27 ng Setyembre ang Save Sierra Madre Day, na idineklara ni dating Pangulong Benigno Aquino III noong taong 2012, bilang pagpapaigting ng pangangalaga sa kabundukan at pag-alala sa mga naging biktima ng matinding pagbaha na dulot ng bagyong Ondoy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 184,857 total reads

 184,857 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 255,663 total reads

 255,663 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 289,112 total reads

 289,112 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 324,411 total reads

 324,411 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 543,511 total reads

 543,511 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 161,056 total reads

 161,056 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top