2nd collection para sa mga biktima ng bagyong Egay, ipinag-utos ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,905 total reads

Nakiisa ang Archdiocese of Manila sa karanasan ng mga biktima ng bagyong Egay na nanalasa sa malaking bahagi ng Luzon.

Umapela si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mamamayan na magkaisang tumugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente lalo na sa pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at malinis na inuming tubig.

Inatasan ng cardinal ang mga parokya ng arkidiyosesis na magsagawa ng second collection sa mga misa sa Sabado, July 29 at Linggo, July 30 upang makalikom ng pondo para ipamahagi sa mga apektadong diyosesis.

“As we offer our prayers and sacrifices for the victims of typhoon Egay, we will help our brothers and sisters in alleviation of their sufferings,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Ang malilikom na donasyon ng mga parokya ay dadalhin sa Accounting Office ng Arzobispado de Manila hanggang August 4.

Naglandfall ang bagyong Egay sa bahagi ng Cagayan Province na sakop ng Archdiocese of Tuguegarao na nagdulot ng mga pag-ulan sa Northern Luzon kaya’t inilikas ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan ang mahigit sampung libong katao na naninirahan sa coastal areas.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 13 national roads sa Northern Luzon ang isinara sa publiko para sa kaligtasan, lima ang nasawi habang ilang indibidwal din ang nasugatan.

Una nang nag-alay ng panalangin ang mga obispo para sa kaligtasan ng mamamayan lalo na sa mga lugar na malakas ang buhos ng ulan at pagbugso ng hangin.

Nakipag-ugnayan na rin ang Caritas Manila sa mga apektadong diyosesis para sa relief operations at agad na makapagbigay ng tulong sa mga naapektuhang mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 214,200 total reads

 214,200 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 248,873 total reads

 248,873 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 264,773 total reads

 264,773 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 301,263 total reads

 301,263 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 307,148 total reads

 307,148 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top