DSWD at PHILHEALTH, pinakikilos para paglingkuran ang mga nasalanta ng kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,413 total reads

Ibinahagi ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na pinagkakatiwalaan ng Panginoon ang mga tao ng talento upang gamitin sa paglingap ng kapwa.

Ito ang pagninilay ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinatawan ng Mindanao sa C-B-C-P kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari sa ika – 22 ng Nobyembre.

Ayon sa arsobispo, mahalagang gamitin ng tao ang mga kaloob na talento upang tulungan ang higit nangangailangan partikular ang mga nasalanta ng bagyo.

“Jesus is the King of Kings! He continues to mobilize us by giving us talents and let this talent be used to help the victims of the typhoons that destroyed our land,” pahayag ni Archbishop Jumoad sa Radio Veritas.

Umaapela ang arsobispo sa mamamayan na magkaisang kumilos upang maibsan ang paghihirap na dinanas ng mga naapektuhan ng mga kalamidad sa gitna ng pandemya bunsod ng corona virus.

Binigyang diin din ni Archbishop Jumoad na maging ang pamahalaan at mga kawani nito ay pinagkakatiwalaan ng Panginoon sa paglilingkod sa sambayanan partikular na sa mga dukha.

“Government agencies are also the instrument of Jesus as King of Kings to extend the help to the lost and least in our society,” ayon kay Archbishop Jumoad.

Partikular na tinukoy ng arsobispo ang Deaprtment of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation at ang Bureau of Customs na nawa’y maging tapat sa kanilang tungkulin sa paglilingkod sa mamamayan.

Hiling ni Archbishop Jumoad sa D-S-W-D na agad ipamahagi ang tulong para sa mga nasalanta ng magkakasunod na bagyo at huwag nang iimbak upang hindi masayang tulad ng mga nabulok na relief goods noong manalasa ang bagyong Yolanda.

Umaasa rin ang arsobispo ng Ozamis na paigtingin ng Philhealth ang serbisyo sa mga Filipino upang maibalik ang tiwala ng mga tao sa ahensya na labis nabahiran ng katiwalian.

“Jesus as King of Kings send people in Philhealth to help those who are sick; I hope Philhealth will help the poor and they have to regain their credibility,” giit ng arsobispo.

Batay sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council tinatayang halos dalawang milyong indibidwal partikular sa Luzon ang naapektuhan ng malawakang pagbaha kasund ng pananalasa ng bagyong Pepito, Quinta, Rolly at Ulysses.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 26,144 total reads

 26,144 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 56,280 total reads

 56,280 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 126,442 total reads

 126,442 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 212,958 total reads

 212,958 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 255,980 total reads

 255,980 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 303,600 total reads

 303,600 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top