Simbahan, nanawagan sa taumbayan na suportahan ang Alay Kapwa program

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,465 total reads

Hinimok ni Maasin Bishop Precioso Cantillas ang mananampalataya na makibahagi sa misyon ng Panginoon sa pamamagitan ng pagsuporta sa Alay Kapwa program ng simbahan.

Ito ang paalala ng obispo kasabay ng paglunsad ng taunang programa ng simbahan na karaniwang ginagawa tuwing kuwaresma at semana santa.

Ipinag-utos ng diyosesis ang pagpapatupad sa Alay Kapwa program sa mga parokya na inilunsad nitong Pebrero 26.

“As a concrete response to our missionary vocation, I hereby decree the promotion and implementation of the Alay Kapwa spirituality in all the parishes in our diocese to ensure a uniform and faithful fostering for this Alay Kapwa spirituality in parishes and BECs,” bahagi ng pahayag ni Bishop Cantillas.

Paliwanag ng obispo na mahalaga ang pagtulong sa kapwa sapagkat naipapadama ng tao ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.

Ito rin ay paraan ng pakikibahagi sa misyon ni Hesus lalo ngayong panahon ng kuwaresma at ipinagdiwang ng bansa ang 500 Years of Christianity kung saan malaki ang bahagi ng Diyosesis ng Maasin sapagkat naganap ang unang makasaysayang misa sa Linggo ng Pagkabuhay noong Marso 31, 1521 sa Limasawa Island.

“We are given the opportunity to share Jesus’ mission to proclaim our faith by being of service to the needy and to the poor,” ani Bishop Cantillas.

Binigyang diin ni Bishop Cantillas na ang pakikiisa sa Alay Kapwa ay pagsasabuhay din sa turo ng simbahan lalo’t idineklara rin ng diyosesis ang 2021 bilang ‘Diocesan Year of the Eucharist’ kung saan ang bawat isa ay hinamong palalim ang pakikiisa kay Hesus sa pamamagitan ng paglingap sa nangangailangan.

Ang Alay Kapwa ay unang inilunsad ng simbahan noong 1974 na layong makapangalap ng pondo para maging standby fund ng simbahan na ginagamit sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayang nasasalanta ng anumang uri ng kalamidad.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 10,840 total reads

 10,840 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 66,546 total reads

 66,546 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 151,912 total reads

 151,912 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 198,648 total reads

 198,648 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 246,520 total reads

 246,520 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 347,195 total reads

 347,195 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top