COVID 19 vaccine webinar, pangungunahan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 628 total views

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang lahat na makibahagi sa dalawang webinar hinggil sa mga dapat malaman ng publiko sa pagpapabakuna laban sa coronavirus disease.

Ito ay ang Ating Alamin: Bakuna sa COVID-19 na isasagawa sa Marso 1 at 4 sa ganap na 10:00 ng umaga hanggang 12 ng tanghali.

Layunin ng nasabing webinar na hikayatin ang publiko na makiisa sa panawagan ng pamahalaan at simbahan na magpabakuna laban sa virus upang tuluyan nang mahinto at hindi na lumaganap pa ang virus..

Kabilang sa mga magiging tagapagsalita sina Dr. Nina Castillo-Carandang, member ng World Health Organization Social Science Working Group on COVID-19 at si Dr. Nina Gloriani, ang chairman ng Department of Science and Technology Vaccine Expert Panel for COVID-19.



Gayundin sina Dr. Maria Cristina Alberto na isang Community Pediatrician at Founder ng Hope In Me Club; at Dr. Jemelyn Garcia mula sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases.

Magbabahagi rin sa nasabing webinar ang Chairman ng CBCP-Healthcare Ministry Naval Bishop Rex Ramirez; Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo; CBCP President Davao Archbishop Romullo Valles; at CBCP Vice President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Samantala, makikipagtulungan naman ang Diocese ng Balanga, Bataan sa pamahalaang panlalawigan nito upang makakuha ng COVID-19 Vaccine para sa kanilang mga kaparian at iba pang kasamahan sa Diyosesis.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos na mamamahagi rin ang Diyosesis ng libreng COVID-19 Vaccine para sa mga nais kumuha nito at inialok na bukas ang mga simbahan at paaralan bilang lugar ng pagdadausan ng pagpapabakuna sakaling kailanganin ng lokal na pamahalaan.

Inaasahang makakatanggap ang Pilipinas ng higit sa 5-milyong doses ng COVID-19 Vaccines sa unang quarter ng taon habang inaasahan naman ang pagdating pa ng karagdagang 24 na milyong doses sa ikalawang quarter.

Register on Webinar

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 43,754 total views

 43,754 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 39,623 total views

 39,623 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 75,825 total views

 75,825 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 84,619 total views

 84,619 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 110,211 total views

 110,211 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top