Panawagan kay Pangulong Duterte: Pakinggan ang hinaing ng mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 738 total reads

July 25,2020-12:50pm

Umapela si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ihayag sa taumbayan ang tunay na kalagayan ng bansa sa kanyang ikalimang Pag-uulat sa Bayan sa Lunes, ika-27 ng Hulyo.

Ayon sa Obispo, hindi dapat na magbulag-bulagan ang Pangulo sa tunay na estado ng bansa kung saan kasalukuyan ay laganap ang kahirapan, pagkasira ng kalikasan, kawalan ng hanapbuhay at kamatayan hindi lamang dahil sa novel coronavirus kundi maging sa nauna ng tinaguriang ‘state-endorsed killings’.

“In his upcoming SONA, we appeal to the President not to turn a blind eye on the dire state of our people. Today, the spate of deaths continues not only through state endorsed killings, but also through rampant hunger, loss of livelihood, and environmental degradation, among many others,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Giit ng Obispo, napapanahon ng makinig at tugunan ng Pangulo ang mga hinaing ng mga Filipino kaugnay sa tunay na mga suliranin sa lipunan.

Paliwanag pa ni Bishop Alminaza, mahalagang marinig ng taumbayan ang mga plano ng pamahalaan upang matugunan ang mga suliraning kinahaharap ng bansa lalo na sa kasalukuyang krisis na dulot ng pandemya.

“We are tired of hearing unwarranted jokes and threats in his speeches; we call on the President to listen to the cries of the people, present concrete solutions in his SONA, and serve in the interest of the public,” ayon pa sa pahayag ng obispo.

Paliwanag ng Obispo higit kailanman ay kinakailangan ngayon ng bansa ang masusing pamamahala ng gobyerno upang matugunan ang krisis na dulot ng pandemya sa pamamagitan ng solusyong pang-medikal at hindi sa pamamagitan ng pagtutok sa iba’t ibang usapin na mas nagpapahirap lamang sa mga mamamayan.

Kabilang din sa tinukoy ni Bishop Alminaza na mga hindi napapanahong usaping na mas binigyang pansin ng pamahalaan ay ang pagsusulong ng Anti-Terrorism Law na nagdudulot ng karahasan at kaguluhan.

Binanggit din ng Obispo ang nagaganap sa Negros province kung saan nananatili ang karahasan na nagsimula pa noong inilunsad sa administrasyon ang War on Drugs.

Hulyo taong 2019 nang magsimula ang papatunog ng kampana ng buong Diyosesis ng San Carlos upang maipaabot ang apela ng mamamayan na mawakasan na ang walang kabuluhang pagpaslang sa lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 152,952 total reads

 152,952 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 225,834 total reads

 225,834 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 259,282 total reads

 259,282 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 294,581 total reads

 294,581 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 515,135 total reads

 515,135 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top