Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panawagan ng Pangulong Duterte sa Amerika na ibalik ang Balangiga bells, pinuri

SHARE THE TRUTH

 215 total views

Nagagalak ang Obispo ng Borongan, Eastern Samar sa hangarin ng Pangulong Rodrigo Duterte na mabawi mula sa Estados Unidos ang makasaysayang Balangiga bell na pag-aari ng mga Filipino.

Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez, mahalaga sa mamamayan ng Eastern Samar na maisoli ang kampana at mailagay sa simbahan kung saan ito nakalagay.

“Good for us that he mentioned the Balangiga bell, it was a part of church property in Eastern Samar. Kaya kung mabawi yan dapat maibalik sa Balangiga. History yan sa aming simbahan. Symbolic ang bell di ba, calling people to go the church and encounter with God,” ayon kay Bishop Varquez.

Sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, hinimok nito ang US na isoli ang kampana ng simbahan matapos ang pagpaslang sa isang komunidad sa Samar noong 1900’s.

Binalikan din ng Pangulo ang Philippine-American war nang mapasok ng mga Filipino ang kampo at mapaslang ang mga Amerikanong sundalo na gumanti naman sa pamamagitan ng pagpatay sa lahat ng batang lalaki na nasa edad 10 taon.

Ang Balangiga bells ay tatlong church bells na kinuha ng United States Army sa bayan ng Balangiga kung saan ang isa ay hawak ng Camp Red Cloud na nakabase sa Korea, habang ang dalawa naman nasa Warren Air Force Base sa Cheyenne, Wyoming.

Unang tinangkang bawiin ng Pilipinas ang mga kampana sa administrasyon ni dating pangulong Fidel Ramos, habang lumiham na rin ang Diocese ng Borongan noong 2005 sa Estados Unidos na ibalik ang mga kampana.

Sa pahayag noon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sinabing hindi dapat gamitin ang mga kampana ng simbahan bilang mga tropeyo ng digmaan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 26,036 total views

 26,036 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 42,124 total views

 42,124 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 79,786 total views

 79,786 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 90,737 total views

 90,737 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 4,204 total views

 4,204 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 24,054 total views

 24,054 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top