Rise Up, nanindigang ipagtanggol ang dignidad at karapatang pantao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 569 total reads

Nanindigan ang grupong Rise Up na nakatutok at kumakalinga sa kaso ng mga pagpaslang sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga na ipagtanggol ang dignidad at karapatang pantao ng bawat tao.

Ayon kay Rise Up spokesperson Father Gilbert Billena, bilang pagpapahalaga sa kasagraduhan ng buhay na ipinagkaloob ng Panginoon ay patuloy silang maninindigan sa pagpapataas ng kamalayan at pagpapahalaga ng bawat isa sa buhay.

Mariing kinondena ng grupo ang patuloy na “rampant drug-related killings sa sinasabing may kaugnayan sa illegal na droga na pawang mga mahihirap na nagdarahop sa buhay.

“Bilang taong Simbahan at nag-aadbokasiya tayo ng kampanya at pagtatanggol natin sa karapatang pantao at dignidad ng tao ay mariin na tinututulan natin itong walang habas na pamamaslang sa mga dukha at mahihirap na biktima nitong illicit drugs.” pahayag ni Father Billena sa Radio Veritas

Kaugnay nito, nanindigan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address na patuloy na isusulong ng kanyang administrasyon ang nasimulang kampanya laban sa illegal na droga sa kabila ng puna ng mga kritiko at pagkabahala ng international community.

Matatandaang nauna nang nagpahayag ng pagkabahala ang United Nations, European Union at maging ang Estados Unidos sa kalagayang ng karapatang pantao sa Pilipinas kung saan kamakailan lamang ay nagsagawa ng pagdinig ang human rights body ng US House of Representatives kaugnay sa epekto ng Anti-Illegal Drugs Campaign o War on Drugs ng Duterte Administration.

Ayon sa mga mambabatas ng Estados Unidos, naaangkop lamang na suriin ng bansa ang sitwasyon sa Pilipinas upang mabalanse ang diplomatic relation ng dalawang bansa at pagtiyak sa pangangalaga ng karapatang pantao lalo’t ang Pilipinas ang nakatatanggap ng pinakamalaking US Aid sa Silangang Asya.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 7,832 total reads

 7,832 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 28,366 total reads

 28,366 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 92,774 total reads

 92,774 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 178,140 total reads

 178,140 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 224,876 total reads

 224,876 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 272,750 total reads

 272,750 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 372,076 total reads

 372,076 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top