Kritiko ng ML extension, hinamong pulsuhan ang mamamayan ng Mindanao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 395 total reads

Hinamon ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga tutol sa Martial law extension na pulsuhan ang mga residente ng Mindanao kung sang-ayon o hindi sa pag-iral ng batas militar.

Sa isinagawang special joint session, inaprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang extension ng martial law hanggang sa katapusan ng taong 2017.

Kumpiyansa si Alvarez na malaking bahagi ng residente ng Mindanao ang sang-ayon sa martial rule dahil na rin sa presensya ng ISIS inspired armed groups sa rehiyon tulad ng Maute group upang matiyak na hindi makakapag-regroup ang grupo sa ibang lugar habang may digmaan sa Marawi City.

Hinikayat din ni Alvarez ang mga nagrereklamo ng pang-aabuso na ireport sa Commission on Human Rights (CHR) ang mga paglabag sa karapatang pantao.

Kaugnay nito, isa si Hadji Nor Makabato sa mahigit 22-libong mga estudyante ng Marawi City na lumikas at nagpahayag ng pagtutol sa M-L extension.

Sinabi naman ni Alliance of Concerned Teachers Representative Antonio Tinio na napatunayan sa kasaysayan na hindi martial law ang tugon ng suliranin sa kapayapaan sa bansa.

Ayon kay Tinio, tila taliwas ang ginagawa ng Pangulo sa sinasabing kapayapaan sa pagpapalawig ng martial law at pagtatapos naman ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Una na ring nagpahayag ng pagtutol ang ilang Obispo ng Mindanao sa martial law extension dahil sa pangambang posibleng pagmamalabis at mga paglabag sa karapatang pantao.

Base sa 2005 survey ng National Statistic Office, 24-porsiyento ng mahigit sa 102-milyong populasyon ng Pilipinas ay mula sa Mindanao region.

Sa pinakahuling tala, umaabot na sa 600 ang nasawi sa kaguluhan sa Marawi City, habang mahigit 400-libong residente ang nagsilikas kabilang na dito ang 1,425 na mga guro at 22-libong mag-aaral.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 7,656 total reads

 7,656 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 28,191 total reads

 28,191 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 92,559 total reads

 92,559 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 177,925 total reads

 177,925 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 224,661 total reads

 224,661 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 272,535 total reads

 272,535 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 371,880 total reads

 371,880 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 7,658 total reads

 7,658 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »
Scroll to Top