Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 448 total views

Kapanalig, nakakasakal na ang korupsyong sumisikil sa bayan ngayon. Ating nakikita sa nangyayaring Senate Hearing na pati mga medical equipment gaya ng PPEs at facemask ay nagamit na sa korupsyon. Hindi ba’t nakakapagduda na ang isang kompanya na maliit lamang ang kapital ay na-awardan o nabigyan ng kontratang may halagang P8.68 billion para sa procurement ng mga PPEs at testing kits na sa kalaunan ay nadiskubre pang overpriced. Kasunod ito ng COA findings na nagsasabi na kulang ang dokumentasyon at supporting papers para sa P45.89 bilyong halaga ng transaksyon ng Department of Health.

Habang ang sambayanang Filipino ay hinihingal na dahil sa sakit o di kaya sa paghahabol ng kita, mayroon pa lang mga kawatan na nagnanakaw ng pera ng bayan. Ang nakakalungkot pa rito, habang nagkakandamatay ang marami nating kababayan, sabi pa ng ating pangulo noon, wala ng pera. Wala ng pera, pero may pambili pala tayo ng overpriced PPEs at face masks.

At syempre, kahit na naaninag na natin ang mga ugnayan ng sanga-sangang pandemic pandarambong, walang aamin. Kailangang, mag-play victim – nahalata niyo ba kapanalig ang mga sagot ng mga tauhang iniimbistigahan ngayon – winarak niyo kami, bugbog na kami, binully niyo kami. Pero ang tanong kapanalig, sino ba ang tunay na biktima dito? Hindi ba’t ang ordinaryong mamamayang Filipino?

Mamulat sana ang ating mga mata sa nangyayari sa bayan ngayon. Hindi ba’t ang pangulo mismo ang nagsabi na “One whiff of corruption, you’re out.” Aba’y masangsang na masangsang na ang amoy ng korupsyon, pero asan na ang delicadeza? Sa halip na itaguyod ang check and balance sa ating lipunan, niyuyurakan pa ang mga institusyong nangunguna sa pagtugis ng korupsyon. Hindi pa sila nakuntento, personal na ang atake.

Kapanalig, baboy na baboy na ang ating bayan. Nakadapa na nga sa hirap ang mamamayan, andami ng namamatay, pero eto, malinaw na hindi pa rin tayo ang prayoridad. Kada linggo, sa halip na impormasyon sa ating laban sa pandemya at iba pang mahahalagang isyu ng bayan ang ating naririnig, panibagong tirada lagi sa mga kritiko ng pamahalaan ang laging bumubulaga sa madla. Ganito ba ang nais nating liderato sa ating bayan? Ito ba ang pagbabagong ating hinintay?

Ayon sa Pacem in Terris, ang pag-unlad ng lipunan ay nakasalalay sa dedikasyon ng otoridad sa pagpapatibay ng mga institusyon nito at sa pagkilos para sa kabutihan ng balana. Sinasabi naman ng Deus Caritas Est na “As Augustine once said, a State which is not governed according to justice would be just a bunch of thieves.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 51,965 total views

 51,965 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 95,574 total views

 95,573 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 178,959 total views

 178,958 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 192,220 total views

 192,219 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ang fourth estate

 51,967 total views

 51,967 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 95,575 total views

 95,575 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 178,960 total views

 178,960 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »
Scroll to Top