Panloloko ng PTV4 sa saloobin ng taongbayan, kinondena ng isang Pari.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,419 total views

Kinondena ng isang Pari mula sa Diocese ng Legaspi ang lumabas na ulat sa isang News Agency ng Pamahalaan na sinasabing pagsuporta ng may mahigit sa 6 na libong kinatawan mula Bicol Region sa Federalismo na siyang isinusulong ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Legaspi Social Action Director Rev. Fr. Rex Paul Arjona, sila mismo mula sa tanggapan ng Social Action Center ng Diocese of Legaspi ay nagpadala ng mga kinatawan para makinig sa layunin at adhikain ng Federalismo ngunit hindi ito nangangahulugan ng direktang pagsuporta gaya ng ipinalalabas sa ulat.

Naniniwala si Father Arjona na hindi kailangan gumawa ng mga ganitong ulat ng news agency ng pamahalaan para lamang mapapaniwala ang publiko na marami na ang sumusuporta sa Federalismo.

“Kasi nagpunta po doon yung mga tao kasama na yung ating mga kasamahan para makinig hindi para necessarily sumuporta at alam din natin, nasiguro po natin na maraming mga pumunta doon ay dahil ni-require sila,” pahayag ni Father Arjona sa Radio Veritas.

Nababahala si Father Arjona na ang diskarteng ito ng Pamahalaan ay magdudulot ng ibayong kalituhan at panloloko sa saloobin ng taongbayan. “Kung wala namang tinatago hindi kailangang manloko, kung maayos naman ang nais gawin kung para sa ika-aayos ng bansa hindi kailangang daanin sa panloloko, hindi kailangang daanin sa pamumuwersa,” Giit ni Fr. Arjona.

Ika-7 ng Hulyo ng maglabas ng artikulo ang PTV4 at PIA-Bicol na nagpapahayag ng pagsuporta ng may anim na libong Bikolano sa Federalismo na ginanap sa Albay Astrodome noong Biyernes, ika-6 ng buwang kasalukuyan.

“Sa mga ganitong pamamaraan, hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng suspetsa na they are not up to any good,” Ani pa ni Father Arjona.

Magugunitang ang Social Action Center ng Legaspi ay aktibo sa mga programa na naglalayong makatulong sa mga mahihirap at naapektuhan ng kalamidad partikular na sa tuwing pumuputok ang bulkang Mayon.

Naunang lumabas sa March 23-27, 2018 survey ng Social Weather Station na 37-porsiyento lamang ng mga Filipino ang sumusuporta sa Federal form ng gobyerno at isa sa apat na Filipino ang walang kaalam-alam sa nasabing sistema ng pamamahala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 115,611 total views

 115,611 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 115,611 total views

 115,611 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 115,611 total views

 115,611 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 112,210 total views

 112,210 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 102,402 total views

 102,402 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 69,609 total views

 69,609 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top