Mamamayang Filipino, hinimok na makilahok sa mga usaping panlipunan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 395 total reads

Mahalaga ang regular na pagtitipon para sa Filipinong Katoliko upang mamulat sa mga usaping panlipunan. Ito ang inihayag ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity sa kahalagahan ng regular na pagtitipon at mga gawain tulad ng Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) upang mailahad at matalakay ang mga usaping at suliraning panlipunan na nangangailangang matugunan.

Pagbabahagi ng Obispo, kinakailangan munang alamin at magkaroon ng kamalayan ang bawat isa sa reyalidad na nagaganap sa lipunan upang ganap na mapagnilayan kung ano ang maaring maging tugon dito mula sa pananaw ng Simbahang Katolika.

“Mahalaga po ito upang ang mga tao natin ay mamulat sa mga pangyayari at makita ang mga pangyayaring ito sa mata ng pananampalataya at mag-usap-usap at makita nila at mabahala sila at kumilos sila kaya itong mga pagtitipon ng MAGPAS at iba pang mga pagtitipon para sa issues ngayon ay dapat talagang gawin…”pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Iginiit ng Obispo na bilang isang mabuting mamamayang Kristyano ay dapat na makisangkot at makibahagi ang bawat isa sa mga nagaganap at mga usaping panlipunan. Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na hanggat hindi nakikilahok at walang anumang partisipasyon o reaksyon ang mamamayan sa mga nagaganap na kaguluhan sa bayan ay hindi kailanman magkakaroon ng katarungang panlipunan sa bansa.

Dahil dito, hinimok ng Obispo ang bawat isa na magkaroon ng kamalayan sa mga tunay na nangyayari sa bayan at pagnilayan ang mga pangyayaring ito base sa pananaw ng pananampalayang Katoliko.

Hinimok ni Bishop Pabillo ang mamamayan na gumawa ng desisyon sa kung ano ang naangkop na kongretong hakbang at tugon sa mga problema ng lipunan. Partikular na tinukoy ni Bishop Pabillo ang dapat na pakikilahok at pakikialam ng bawat isa sa usapin ng pagpapalit ng Konstitusyon upang bigyang daan ang pagpapalit ng sistema ng pamahalaan sa Federal form of government.

“Hindi lamang dapat na tingnan o bantayan ang mga idinagdag na probisyon kundi maging ang mga tinanggal na probisyon na maaring malaki ang maging epekto sa buhay ng bawat mamamayang Filipino.”pahayag ng Obispo.

Inihalimbawa ng Obispo ang pag-aaral na tangging 27-porsyento lamang ng mga Filipino ang mismong nakabasa na ng Konstitusyon ng bansa kaya marapat lamang basahin at aralin ito ng bawat isa.

Ang MAGPAS ay karaniwang ginawa anim na beses kada taon o tuwing makalawang buwan sa unang araw ng Sabado. Ngayong buwan tema ng July 2018 MAGPAS ang “Celebrating Our Baptismal Priesthood: The Prophetic Mission”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 2,104 total reads

 2,104 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 37,609 total reads

 37,609 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 74,093 total reads

 74,093 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 92,304 total reads

 92,304 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 176,541 total reads

 176,541 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,632 total reads

 38,632 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top