Panloloko ng PTV4 sa saloobin ng taongbayan, kinondena ng isang Pari.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,597 total reads

Kinondena ng isang Pari mula sa Diocese ng Legaspi ang lumabas na ulat sa isang News Agency ng Pamahalaan na sinasabing pagsuporta ng may mahigit sa 6 na libong kinatawan mula Bicol Region sa Federalismo na siyang isinusulong ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Legaspi Social Action Director Rev. Fr. Rex Paul Arjona, sila mismo mula sa tanggapan ng Social Action Center ng Diocese of Legaspi ay nagpadala ng mga kinatawan para makinig sa layunin at adhikain ng Federalismo ngunit hindi ito nangangahulugan ng direktang pagsuporta gaya ng ipinalalabas sa ulat.

Naniniwala si Father Arjona na hindi kailangan gumawa ng mga ganitong ulat ng news agency ng pamahalaan para lamang mapapaniwala ang publiko na marami na ang sumusuporta sa Federalismo.

“Kasi nagpunta po doon yung mga tao kasama na yung ating mga kasamahan para makinig hindi para necessarily sumuporta at alam din natin, nasiguro po natin na maraming mga pumunta doon ay dahil ni-require sila,” pahayag ni Father Arjona sa Radio Veritas.

Nababahala si Father Arjona na ang diskarteng ito ng Pamahalaan ay magdudulot ng ibayong kalituhan at panloloko sa saloobin ng taongbayan. “Kung wala namang tinatago hindi kailangang manloko, kung maayos naman ang nais gawin kung para sa ika-aayos ng bansa hindi kailangang daanin sa panloloko, hindi kailangang daanin sa pamumuwersa,” Giit ni Fr. Arjona.

Ika-7 ng Hulyo ng maglabas ng artikulo ang PTV4 at PIA-Bicol na nagpapahayag ng pagsuporta ng may anim na libong Bikolano sa Federalismo na ginanap sa Albay Astrodome noong Biyernes, ika-6 ng buwang kasalukuyan.

“Sa mga ganitong pamamaraan, hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng suspetsa na they are not up to any good,” Ani pa ni Father Arjona.

Magugunitang ang Social Action Center ng Legaspi ay aktibo sa mga programa na naglalayong makatulong sa mga mahihirap at naapektuhan ng kalamidad partikular na sa tuwing pumuputok ang bulkang Mayon.

Naunang lumabas sa March 23-27, 2018 survey ng Social Weather Station na 37-porsiyento lamang ng mga Filipino ang sumusuporta sa Federal form ng gobyerno at isa sa apat na Filipino ang walang kaalam-alam sa nasabing sistema ng pamamahala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,607 total reads

 56,607 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,883 total reads

 135,883 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 169,328 total reads

 169,328 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,626 total reads

 204,626 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,863 total reads

 428,863 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,826 total reads

 111,826 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top