Pantay ang dignidad ng mga bata at guro

SHARE THE TRUTH

 757 total views

Mga Kapanalig, tinatalakay ngayon sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong proteksyunan ang mga guro mula sa pagturing sa kanilang pagdidisiplina sa mga bata bilang pang-aabuso.  

Itinuturo nila ang Republic Act No. 7610 of 1992 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act, gayundin ang Department of Education Child Protection Policy, na umano’y nagtuturing sa pagdidisiplina bilang child abuse. Linawin nating ang layunin ng mga patakarang ito ay bigyang-proteksyon ang mga bata, hindi ang ilagay sa alanganin ang mga guro. 

Dininig ng House Committee on Basic Education and Culture ang tatlong panukalang batas na poproteksyunan daw ang mga guro laban sa umano’y maling akusasyon ng pang-aabuso. Sabi ng Alliance of Concerned Teachers, may mga pagkakataong sinasampahan ng kaso ang mga guro dahil lamang sa pagdisisiplina sa mga bata. Kailangan daw proteksyunan ang mga guro dahil “sweeping” daw ang depinisyon ng pang-aabuso sa kasalukuyang batas. Para sa mga may-akda ng mga panukalang batas, maaaring ang layunin ng guro ay pagdidisiplina pero ginagamit ang batas para ituring itong pang-aabuso.  

Dagdag naman ng Teachers’ Dignity Coalition, dahil daw sa kasalukuyang batas, lahat na lang daw ng uri ng pagdidisiplina ay maaaring maikategorya bilang child abuse na maaaring mauwi sa panghihiya, paninikil, at pagpapakulong sa mga guro kahit na walang batayan ang akusasyon. Maaari din daw itong gamitin laban sa mga guro kahit na isang maliit na pagkakamali lang ang nagawa niya o kahit na ginagampanan lamang niya ang kanyang tungkulin. Ang mga guro daw ang nakakaawa kapag sila ay nakasuhan dahil maaapektuhan nito ang kanilang retirement pay 

Narinig ng Kamara ang panig ng mga guro sa diskusyong ito, ngunit mapakinggan din sana nila ang mga nagsulong ng RA 7610—ang mga child rights advocates at ang mga bata mismo. Hindi layunin ng RA 7610 at ng DepEd Child Protection Policy na patunayan kung kaninong dignidad ang mas matimbang o kung sino ang mas nararapat bigyang-proteksyon. Ang hinihingi ng mga patakarang ito ay ang pag-iwan sa mga nakasasakit na paraan ng pagdidisiplina—pisikal man, emosyonal, o mental na pananakit. Hinihimok ng mga ito ang mga guro, bilang mga magulang sa loob ng paaralan, na iwasang manakit at sa halip ay gumamit ng mga positibong pamamaraan ng pagtutuwid sa pagkakamali ng mga mang-aaral. Ayon nga sa National Baseline Study on Violence Against Children, 14% ng mga batang Pilipino ang nakaranas ng pananakit sa loob ng paaralan mula sa kanilang mga guro. Kabilang sa mga ito ang pangungurot, pambabato ng eraser, pamimingot sa tainga, at pamamalo gamit ang kamay. Gusto pa ba nating magpatuloy ang mga pananakit na ito? 

Hinihiling ng mga gurong kilalanin ang dignidad nila bilang mga tagapagturo. Dapat lamang. Ngunit hinihiling din ng batas na kilalanin ang dignidad ng bawat bata at ang karapatan nilang maproteksyunan mula sa pananakit. Ang mga bata ay nasa proseso pa lamang ng kanilang pag-unlad at paglaki. Hindi pa nila lubusang nauunawaan ang mga nangyayari sa kanilang paligid, kaya mahalaga ang papel ng mga guro upang ipaunawa sa kanila ang kahalagahan ng mabuting asal at pagrespeto sa kanilang kapwa—matanda man o bata.  

Mga Kapanalig, gaya ng sinabi ni Pope Francis, laging dala ng mga batang nasaktan o naabuso ang karanasang ito at hindi ito mabubura kailanman.4 Huwag na nating ituring ang pananakit bilang natatanging paraan, o ‘di kaya’y unang hakbang, ng pagdidisiplina. Sabi nga sa Mga Kawikaan 22:6, “ituro sa mga bata ang daang dapat niyang lakaran at hanggang sa paglaki’y ‘di niya ito malilimutan.” Gusto ba nating pananakit at karahasan ang maitanim sa isip mga bata hanggang sa kanilang paglaki? 

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GAME OF CHANCE

 20,110 total views

 20,110 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 35,661 total views

 35,661 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 49,023 total views

 49,023 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 63,698 total views

 63,698 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 81,087 total views

 81,087 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mga layko, pinasasalamatan ng simbahan

 2,249 total views

 2,249 total views Ipinaabot ni Rev. Fr. Gregory Gaston – rector ng Pontificio Collegio Filippino ang pasasalamat ng Simbahan sa mga layko. Ayon sa Pari na

Read More »

RELATED ARTICLES

GAME OF CHANCE

 20,111 total views

 20,111 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 35,662 total views

 35,662 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 49,024 total views

 49,024 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 63,699 total views

 63,699 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 81,088 total views

 81,088 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 119,452 total views

 119,452 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 126,106 total views

 126,106 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 123,457 total views

 123,457 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 123,501 total views

 123,501 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 120,219 total views

 120,219 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »
Scroll to Top