Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtutol ng pamahalaan at employers sa 150-pesos na wage hike, kinundena ng TUCP

SHARE THE TRUTH

 1,465 total views

Kinundena ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang pagtutol ng mga private employers group at economic manager’s ng Pilipinas sa pagsusulong ng 150-pesos legislated wage hike ng Senado at Kamara.

Ayon kay TUCP Vice President Luis Corral, ang pagtutol ay pagpapakita sa paniniil sa sektor ng mga manggagawa.

“Current minimum wages can even afford a decent meal for a family of five, healthcare and education for their children, and pay for their daily living expenses, do they even know the reality of pawned ATM cards or that workers’ earnings at the end of the month are barely enough to pay for what they owed for sustenance a month ago? This is the reality for millions of working Filipinos and should not be cavalierly dismissed or flippantly backburnered,” mensahe ni Corral sa Radio Veritas.

Apela ni Corral sa mga namamahala sa ekonomiya na magpatupad ng mga polisiya para sa ikabubuti ng mahihirap lalu na ang mga manggagawa.
Iminungkahi naman ng TUCP ang pagpaparami ng mga Kadiwa Ani Kita Stores.

Nanawagan din ang grupo sa pamahalaan na pababain ang presyo ng kuryente at pamamahagi ng 5-libong libong pisong one-time financial assistance upang mapalakas ang purchasing power ng mamamayan.

Nagpahayag na ng pagtutol ang Philippine Chamber of Commerce and Industry, Employer’s Confederation of the Philippines at Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry sa 150-pesos legislated wage hike.

Ikinatwiran naman ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno na magdudulot lamang ang hakbang ng higit pang pagtaas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Patuloy naman ang Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern sa pakikiisa sa maga manggagawa upang makamit ang kanilang mga ipinananawagang pagtataas ng suweldo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 10,104 total views

 10,104 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 26,193 total views

 26,193 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 63,954 total views

 63,954 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 74,905 total views

 74,905 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 19,611 total views

 19,611 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 24,401 total views

 24,401 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top