Parangalan ang mga uuwing O-F-W sa halip na pandirihan, panawagan ng CBCP sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

 209 total views

April 30, 2020, 9:52AM

Nanawagan ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines O C-B-C-P sa mamamayan na malugod tanggapin ang mga umuuwing Overseas Filipino Workers na apektado rin ng kasalukuyang krisis na dulot ng pandemya.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Vice Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, nais lamang ng mga O-F-W ang pang-unawa mula sa kapwa Filipino sapagkat pare-pareho ang karanasan na pinagdadaanan.

“Let us welcome our OFW’s; let them come home. What they are asking is just our acceptance, not discrimination as COVID 19 suspects; our understanding and not to shun them away,” pahayag ni Bishop Santos.

Binigyang diin ng Obispo na bagamat kapwa biktima ang lahat ng mamamayan sa mundo dapat pairalin pa rin ang pagtutulungan at paggawa ng kabutihan sa kapwa.

Inihayag ni Bishop Santos na malaki ang ambag ng mahigit sampung milyong O-F-Ws sa ibat-ibang bahagi ng daigdig sa ekonomiya ng bansa lalo na ngayong nakaranas ng pinansyal na krisis ang buong mundo dulot ng pandemic COVID 19.

Naniniwala ang opisyal ng CBCP – ECMI na mas iigting pa ang pagiging hospitable ng mga Filipino lalu na sa mga kababayang O-F-W.

“Filipinos are known for being hospitable poeple, should we not be more hospitable to them? They are our fellow Filipinos; so let’s welcome them whehn they come home to their respective province, city or town,” dagdag ni Bishop Santos.

Matatandaang maraming O-F-W ang nakaranas ng diskriminasyon sa pagbalik sa bansa dahil sa takot ng maraming mamamayan na maaring magdala ng virus ang mga ito.

Iginiit ni Bishop Santos na napapanahon nang bigyang pahalaga ang mga migranteng manggagawa lalo na’t higit itong apektado sa pandaigdigang krisis.

“It is much fitting to honor, and pay homage to them especially now that they are bruised and battered from the bad global economy. Together we can rise up and build one another,” ayon sa obispo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 20,578 total views

 20,578 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Pwedeng taumbayan naman?

 34,413 total views

 34,413 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 69,638 total views

 69,638 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »

Proteksyon para sa mga gig workers

 115,513 total views

 115,513 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »

Online work at kababaihan

 116,549 total views

 116,549 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Ika-75 taon ng pagkakatatag bilang diyosesis, ipagdiriwang ng Davao

 680 total views

 680 total views Inilunsad ng Archdiocese of Davao ang mga gawain sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng pagkatatag bilang diyosesis. Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang banal na misa sa San Pedro Cathedral sa paglunsad ng mga gawain nitong February 22 kasabay ng Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kabanalan ng simbahan, nararapat makikita sa mamamayan

 2,220 total views

 2,220 total views Iginiit ni Romblon Bishop Narciso Abellana na dapat makikita sa mamamayan ang kabanalan ng isang simbahan. Ito ang pahayag ng pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Pastoral Care of Migrants and Itinerant People sa ginanap na 28th National Assembly ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahang makiisa sa canonical coronation ng Our Lady of Fatima

 3,738 total views

 3,738 total views Inaanyayahan ng National Shrine of Our Lady of Fatima ang mananampalataya sa canonical coronation sa makasaysayang imahe ng Our Lady of Fatima. Sa pahayag ng diyosesis makahulugan ang pagdiriwang sapagkat kasabay ito ng ika – 38 anibersaryo ng mapayapang EDSA People Power Revolution na hudyat ng pagtapos sa dalawang dekadang paninilbihan ni dating

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cebu, iginiit ang pag-aari sa natagpuang 19th century pulpit panels

 3,928 total views

 3,928 total views Ikinatuwa ng Archdiocese of Cebu na muling makita ang apat na nawawalang 19th-century pulpit panels ng imahe ni Saint Augustine of Hippo ng Patrocinio de Maria Santisima Parish Church ng Boljoon Cebu. Sa pahayag ni Archbishop Jose Palma, iginiit nito ang pag-aari sa apat na pulpit panels na isang sagradong bagay ng simbahang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Antipolo, nagpapasalamat sa canonical coronation ng Nuestra Señora de Fatima

 4,238 total views

 4,238 total views Ikinagalak ng Diocese of Antipolo na ibahagi sa kristiyanong pamayanan ang biyaya ng pananampalatayang patuloy tinatamasa ng diyosesis. Ito ang mensahe ni Bishop Ruperto Santos makaraang aprubahan ng Santo Papa Francisco nitong February 14 ang canonical coronation sa imahe ng Nuestra Señora de Fatima na nakadambana sa Diocesan Shrine and Parish Church of

Read More »
Environment
Norman Dequia

Nakiisa sa environmental forum, pinasalamatan ni Bishop Uy

 5,430 total views

 5,430 total views Pinasalamatan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang lahat ng sektor na nakiisa sa ikalawang environmental forum na ginanap sa Holy Name University sa Tagbilaran City. Ikinatuwa ng obispo ang pakiklahok ng mga sektor ng pamayanan lalo na ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng lalawigan lalo’t tema ng pagtitipon ang ‘Bridging the

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Cardinal Tagle sa pagtanggap ng Legion of Honor ng France: “An Affirmation of the mission of the whole Church called evangelization”

 8,032 total views

 8,032 total views Pagpapalakas sa misyon ng ebanghelisasyon at gawain sa buong simbahang katolika. Ito ang tugon ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization kasabay ng pagtanggap sa Order of Legion of Honor na iginawad ng France. Ayon kay Cardinal Tagle bagamat sinabi ng Pransya na ginawaran ito ng pinakamataas na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Catholic virtues, paiigtingin ng Pasig Catholic College

 8,070 total views

 8,070 total views Tiniyak ng Diocese of Pasig ang pagpapaigting sa paghuhubog ng mga kabataan sa pamamagitan ng dekalidad na edukasyon. Ito ang pahayag ni Bishop Mylo Hubert Vergara sa 111th founding anniversary ng Pasig Catholic College kung saan binibigyang diin ang pagpapatatag sa catholic education. “Ang commitment ng Diocese [Pasig] ay lalong patatagin yung Catholic

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Cardinal Tagle, ginawaran ng Order of Legion of Honour ng Pransya

 9,455 total views

 9,455 total views Ginawaran ng pinakamataas na pagkilala ng French Government si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle-prefect ng Dicastery for Evangelization. Iginawad kay Cardinal Tagle ang Order of Legion of Honour sa pamamagitan ni French Ambassador to the Vatican Florence Mangin sa ngalan ni French President Emmanual Macron. Ayon kay Fr. Greg Gaston, rector ng Pontificio

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2nd collection sa 6 na linggo ng kuwaresma, ilalaan ng RCAM sa Alay Kapwa programs

 10,921 total views

 10,921 total views Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na suportahan ang Alay Kapwa 2024. Sa mensahe ng cardinal, binigyang diin na kasabay ng kuwaresma at paghahanda sa Paschal Triduum ay nararapat paigtingin din ng bawat isa ang habag at awa sa kapwa lalo’t higit sa nangangailangang sektor ng lipunan. Kinilala

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Lenten challenge 2024, inilunsad ng Archdiocese of Cebu

 10,950 total views

 10,950 total views Inilunsad ng Archdiocese of Cebu ang Lenten Challenge 2024 na magsisilbing gabay sa mananampalataya sa paglalakbay ngayong kuwaresma. Layunin ng programa na higit lumago ang pananampalataya ng mamamayan gayundin ang pag-asa at pag-ibig na pinakabuod sa buong pagdiriwang ng pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus. Tampok sa “TO-DO Calendar for Lent” ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Tulong sa mga nasaktan sa pagguho ng isang Bulacan church, tiniyak ng Diocese of Malolos

 24,602 total views

 24,602 total views Tiniyak ng Diocese of Malolos ang suporta at pagtulong sa pangangailangan ng mga biktima ng pagbagsak sa isang bahagi ng San Pedro Apostol Parish sa San Jose Del Monte, Bulacan. Sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Dennis Villarojo bukod sa pananalangin ay nakipag-ugnayan na rin ito sa pamilya ng mga biktima. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Suriin ang ugnayan sa Panginoon, paalala ni Bishop Ongtioco sa mga mananampalataya

 12,659 total views

 12,659 total views Pinaalalahanan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang mananampalataya na napapanahong suriin ang ugnayan sa Diyos ngayong panahon ng kuwaresma. Ito ang mensahe ng obispo sa pagsisimula ng paghahanda sa Paschal Triduum ngayong February 14, ang Miércoles de Ceniza o Ash Wednesday. Sinabi ni Bishop Ongtioco na mahalaga ang panahon ng kuwaresma kung saan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ng Obispo na makiisa sa pagsisimula ng Kuwaresma

 13,841 total views

 13,841 total views Hinimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na makiisa sa pagsisimula sa 40 araw na paghahanda sa Paschal Triduum ng simbahan. Ito ang mensahe ng obispo sa Miércoles de Ceniza o Ash Wednesday sa February 14 kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day. Inihayag ni Bishop Uy na magandang pagkakataon ang dalawang pagdiriwang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, hinikayat ng Papal Nuncio na makiisa sa Walk for Life 2024

 15,125 total views

 15,125 total views Hinikayat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco sa Pilipinas ang mamamayan na makiisa sa taunang Walk for Life sa inisyatibo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas. Ayon kay Papal Nuncio to the Philippiens Archbishop Charles Brown makahulugan ang naturang gawain lalo na sa kasalukuyang panahon na lantad sa panganib at iba’t ibang uri ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top