Parokya, pinaka-ligtas na lugar sa drug surrenderers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 429 total views

Umapela ang Archdiocese of Manila Restorative Justice Ministry sa mga mananampalataya na suportahan ang programa ng Simbahang Katolika na “Sanlakbay sa Pagbabago ng Buhay” para sa mga drug surrenderers na nais magbagong-buhay.

Ayon kay Sr. Zeny Cabrera, coordinator ng Archdiocese of Manila Restorative Justice Ministry, kailangan ng mga drug dependent maging ng kani-kanilang pamilya na may masandalan sa kanilang pagbabago na siyang layunin ng Simbahan.

“Sa kaisipan at damdamin, maaalala natin ang araw ay sisikat lalo na sa ating madilim at magulong mundo, ang SANLAKBAY ay paglalakbay ng isang bayan ng Diyos na maaring kinatawan ng parokya, isang komunidad na maglalakbay patungo sa Diyos ay ang pinahahalagahan dito ay ang bawat tao, pinapalakas ang kanyang buhay kay Kristo, ginagabayan ng Espiritu Santo kasama ng Inang Birheng Maria, yan po ang aming pagnanasa sa programang ito. Ito ay alay ng Simbahan para sa ating bayan bilang tugon sa mga problemang ating kinakaharap ngayon sa kalagayan ng ating mga kapatid na lulong sa droga,” pahayag ni Sr. Cabrera sa panayam ng Radyo Veritas.

Pahayag pa ng madre na nagkaroon na sila ng general orientation sa mga pari at volunteer, maging sa partner agencies (PNP, PDEA, LGUs, DILG) hinggil sa tamang pagtrato sa mga surrenderers.

“Nagkaroon kami ng several meetings na nagawa na at ito ay may general orientation yung mga pari at napili nilang volunteers na magbibigay ng kanilang panahon ay mabigyan natin ng preparasyon para dito noong October 15 at 20, inanyayahan din ang mga partner agencies natin mula sa LGUs, PDEA, PNP ito ay tulong tulong,” ayon pa sa madre.

Kaugnay nito, inihayag ni Sr. Cabrera na ang parokya ang pinakaligtas na lugar sa mga drug addict na nais magbago kaya’t ang lahat ng parokya ay inaanyayahan din na maging bukas ang kanilang pintuan.

Inihalimbawa ng madre ang San Roque de Manila Parish sa pamumuno ni Fr. Tony Navarrete na tumanggap na ng may 40 drug surrenderers na sumasailalim sa seminar tungo sa pagbabago sa pakikipagtulungan na rin ng mga barangay na sakop nito.

“Sa bawat parokya ay mayroon tututok sa kanila, ito ang tugon ng Simbahan kaya mismong ang ating kardinal ang nagpasimuno para sa launching ng Sanlakbay para sa pagbabagong buhay na alay sa ating mamamayan, nakita namin na ang isang magandang lugar at komunidad o grupo na tututok dito para magkaroon ng assurance na itong mga sumuko ay hindi sila matatakot, ang pinakamaganda ang safe ground ay ang parokya, ang barangay at parokya ay magkakasama, gaya ng ating pilot parish sa San Roque ni Fr. Tony Navarrete, nagsisiumula na ito tumanggap na sila ng 35-40 surrenderers, sila ay mga kalakbay. Nagmamalasakit ang parokya at sa pakikipagtukungan ng 4 na barangay,” ayon pa sa madre.

Sa record ng Philippine National Police (PNP), nasa higit 730,000 na ang drug surrenderers sa bansa simula nang manungkulan ang administrasyong Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 56,909 total views

 56,909 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 56,909 total views

 56,909 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 56,909 total views

 56,909 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 55,163 total views

 55,163 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 50,390 total views

 50,390 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 194,426 total views

 194,426 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top