Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangulong Duterte, hindi maaaring magdesisyong mag-isa

SHARE THE TRUTH

 275 total views

Hindi maiiwasang maikumpara ang Pangulong Rodrigo Duterte sa isang “diktador” dahil sa desisyon nitong putulin ang relasyon sa Amerika lalo na sa usaping ekonomiya at suportang militar.

Ito ang naging pahayag ng dating pangulo ng CBCP at Lingayen, Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa pagkalas ni Pangulong sa Amerika at paboran ang China.

Nilinaw ni Archbishop Cruz na dapat munang ikonsulta ng Pangulong Duterte ang mga pahayag nito sa hudikatura at lehislatura.

Ayon sa Arsobispo, lumalabas na lahat ay idinidikta na lamang ng Pangulo ang sarili nitong desiyon ng walang konsultasyon o hindi man lang naidadaan sa proseso ng dalawa pang sangay ng pamahalaan.

“Halimbawa yung mga treaty, agreement, etc., hindi naman lahat ng ito ay puwedeng executive department lang, kailangan dadaan pa sa legislative department kung hindi ‘diktador’ yan. Ibig sabihin lahat nalang ay executive department walang pakialam ang judicial pati legislative lalo na sa mga pahayag ng ating pamunuan sa ngayon,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.

Iginiit pa ng dating CBCP president na sawang – sawa na rin siya sa presensiya ng Estados Unidos lalo na sa pagtatayo nito ng mga base militar na umaabot na sa lima ngunit pinangangambahan nito na maaring ikapahamak ng bansa ang desisyon lalo sa girian ng US at China.

Nakatitiyak rin ang Arsobispo na maaari ring gamitin ng Amerika ang pang – ekonomiyang potensiyal sa Asya Pasipiko lalo’t ayon sa US Geological survey na tinatayang may kabuuang 21,632 milyong bariles ng langis pa ang di nadidiskubre sa rehiyong ito na makakapagpa-angat sa kinalulugmukan nitong krisis pinansiyal.

“Ako man ay pagod na pagod na sa kano, ako man kay Uncle Sam ay sumusuko na rin. Ang sabi ko lahat ng yan kailangan ay idaan sa legislative department. Hindi basta – basta kung ano ang gusto ng executive ay siyang gagawin, siyang sasabihin at siyang tutuparin,” giit pa ni Archbishop Cruz sa Radyo Veritas.

Ayon sa pandaigdigang survey ng WIN/Gallup International para sa taong 2013, US ang tinitingnan ng mga mamamayan ng mundo bilang pinakamalaking banta sa kapayapaan ng mundo.

Kaya’t patuloy namang ipinanawagan ng kanyang Kabanalan Francisco sa United Nations na kailangang mapanatili ang pakikipag – dayalogo sa mga bansang may banta ng kaguluhan upang mangibabaw ang kapayapaan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,629 total views

 42,629 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,110 total views

 80,110 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,105 total views

 112,105 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,845 total views

 156,845 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,791 total views

 179,791 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,065 total views

 7,065 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,668 total views

 17,668 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 64,083 total views

 64,083 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 170,350 total views

 170,350 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 196,164 total views

 196,164 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 211,982 total views

 211,982 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top