Participants sa kauna-unahang Faith Lens 2018, kinilala ng Archdiocese ng Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 414 total views

Kinilala ng Social Communication Commission ng Archdiocese of Manila ang mga nagwagi sa kauna-unahang Faith Lens 2018 film festival na ginanap sa Arsobispado de Manila bilang bahagi ng pagidiwang ng World Communication Day.

Ang Faith lens 2018 ay inorganisa ng Social Communication Ministry ng arkidiyosesis na layong hikayatin ang mga servant-leader communicator ng mga parokya para gamitin ang kanilang kakayahan sa pagtataguyod ng pananampalataya at mabuting pag-uugali sa pamamagitan ng 1 minute video- na may temang “The Truth will set you Free; fake news and Journalism for Peace” ang 52nd World Communication Day message ni Pope Francis.

Nagpapasalamat naman si Msgr. Clemente Ignacio ng Social Communication Ministry ng Archdiocese of Manila sa mga lumahok sa patimpalak na nawa ay maging makabuluhan sa bawat isa ang pagbibigay halaga sa paghahayag ng katotohanan at sa ating pananampalataya.

“Aminin natin magulo ang daigdig ngayon dahil ang pananampalataya ay naisasantabi sa buhay ng karamihan. And I’d like to encourage everybody and a prayer is for us all to really be more zealous in what we are doing in our social communications ministry,” ayon kay Msgr. Ignacio.

Kasabay ng paggawad ng pagkilala, ang pagtitipon ay kasabay na rin ng 2nd Archdiocesan SOCOM Assembly ng Archdiocese of Manila na dinaluhan ni Fr. Jerome Secillano-executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs (CBCP-PCPA) kung saan hinikayat at ang bawat isa na maging instrumento lalu’t nasa krisis ang katotohanan dulot ng fake news.

“If there is a crisis of truth, I have no issue to preach the truth. And we speak of preaching the truth we preach Jesus, you live according to the teaching of Jesus. Bring Jesus to public life. The repository of truth may not be the church anymore, may not be the government, may not be the state, but the truth is Christ. Yun ang dadalhin natin sa ating lipunan. Ano ang itinuturo ni Hesus dahil siya ang katotohanan ito ang dapat na malaman ng sambayanan,” pahayag ni Fr. Secillano.

Sampung parokya mula sa ecclesiastical province ng Manila ang lumahok na sinuri naman ng mga hurado kabilang na si Alex Lopez ng EWTN; Sharon Joy Isla ng TV Mari; Darren Ramos ng Radio Veritas; Dennis Dayao ng Areopagus Communications at multi-awarded director Laurice Guillen.

Ang mga nagwagi sa patimpalak ay ang KATOK NG PAG-ASA ng San Roque de Manila Parish; bilang best video; UY, TOTOO BA? ng Saint Anthony Shrine-1st runner up at 3rd runner up ang REAR VIEW ng Saint John de Baptist Parish na pawang mula sa Archdiocese of Manila.

Ilan din sa tumanggap ng special awards ang TREND ng Our Lady of Hope Parish ng Diocese ng Cubao; at ang TINANIKALA, PINALAYA ng San Roque Cathedral ng Diocese ng Caloocan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 7,116 total views

 7,116 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 77,228 total views

 77,228 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 151,842 total views

 151,842 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 231,921 total views

 231,921 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 275,021 total views

 275,021 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top