9,912 total views
Pinasalamatan ni Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang pamahalaan ng Pilipinas at Kuwait dahil sa pagsulong ng Memorandum of Agreement para sa mga Overseas Filipino Workers.
Ayon kay Bishop Santos, ang pag-aalis ng ban para sa mga skilled workers ay isa nang tanda ng mabuting pagsisimula sa pagpapatupad ng MOA ng dalawang bansa.
“We at CBCP ECMI are very thankful to our Philippines and to Kuwait government officials for signing the MOA. We appreciate the good efforts, good intentions and hard works of those who made the signing a reality. And we are praying harder that all of us will fulfil and faithful to the contents of the MOA.” pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Umaasa din ang Obispo na susundin ng Kuwait ang kahilingan ng Pilipinas na huwag itago ng mga employer ang passport ng mga Filipino, bigyan sila ng sapat na araw ng pahinga, at pahintulutang makagamit ng cellphone upang makatawag sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
“With the lifting of the skilled workers, we can see that the initial signing has been truthful, meron nang result na kung saan yung sinasabi sa kasunduan, our OFW can possess, can hold and can keep their passport, and matuloy na they can have day off, complete rest, they can own, they can have they can use their cellphone at higit sa lahat ang welfare well-being nila ay maprotektahan, mapangalagaan, maingatan, at the abuses ay hindi na maganap,” dagdag pa ng Obispo.
Tinatayang 252,000 ang bilang ng mga OFWs na nagtatrabaho sa bansang Kuwait.
Naniniwala si Bishop Santos na hindi dito magtatapos ang ugnayan ng Pilipinas at Kuwait, at tunay na mabibigyan ng mataas na paggalang at pagpapahalaga ang karapatan ng mga manggagawang Filipino sa ibang bansa.