Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa national level, pinapasuspendi ng CBCP-NASSA

SHARE THE TRUTH

 11,741 total views

Isuspinde ang proklamasyon ng mga kandidato sa National Level hanggat hindi napatutunayang walang naganap na pandaraya sa Commission on Elections at Smartmatic.

Ito ang panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines National Secretariat for Social Action (NASSA)/Caritas Philippines sa sinasabing manipulasyon sa resulta ng eleksyon.

Ayon kay Fr. Edwin Gariguez – Executive Secretary ng komisyon, hindi nila tuwirang inaakusahan ang COMELEC at Smartmatic ng pandaraya dahil hanggad lamang nila na linawin at linisin ang bahid ng pagdududa ng taumbayan sa mahabang delay ng transmission of results.

Ang aming kahilingan ay seryosohin yung allegation, actually hindi naman natin sinasabi direkta na may dayaan, merong allegations of fraud and manipulation so what we are requesting or demanding to do is to suspend the proclamation until these allegations have been validated or disproved.” pahayag ni Father Gariguez sa Radyo Veritas.

Iginiit ng Pari na mahalagang imbestigahan mismo ang COMELEC at Smartmatic na kinakailangang pangunahan ng isang independent body o ng citizen’s arm upang matiyak na magiging patas ito at mapalalabas ang katothanan.

“Ang hinihiling namin din concretely ay magbuo, para makita kung may validity itong allegations, ay gumawa ng independent at impartial investigation. Kaya lang ang problema dito ang iimbestigahan mo, ComElec at Smartmatic so hindi dapat ang ComElec ang mag iimbestiga kasi sya yung dapat subject ng investigation, ComElec at Smartmatic. It may be a citizen’s body, PPCRV or Namfrel pero dapat mayroong mag-imbestiga.”pahayag ni Father Gariguez

Matatandaang sa pagsisimula ng transmission ng mga data ng boto noong Lunes, ika-13 ng Mayo ay naantala ito ng halos pitong oras.

Nilinaw ni Dir. James Jimenez, spokesperson ng ComElec na walang naging problema sa transmission ng mga resulta mula sa mga Vote Counting Machines o VCM patungo sa ComElec Transparency Server.

Idinahilan ng COMELEC ang pagkaroon ng problema o “java error” sa pagpapasa ng mga data mula sa Transparency Server patungo sa media partners at maging sa PPCRV.

Sa kasalukuyan, nagsimula na ang partial official count ng Board of Canvassers habang nagpapatuloy naman ang unofficial parallel count ng PPCRV.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 28,966 total views

 28,966 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 40,683 total views

 40,683 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,516 total views

 61,516 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 77,942 total views

 77,942 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,176 total views

 87,176 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 80,333 total views

 80,333 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 67,187 total views

 67,187 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top