Gawain sa Immaculate Conception cathedral of Cubao, suspendido ngayong kuwaresma.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 70,585 total views

March 10, 2020, 10:41AM

Pansamantalang ipagpapaliban ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang mga gawain nito ngayong kuwaresma bilang bahagi ng pag-ingat sa paglaganap ng Corona Virus Disease sa bansa.

Ayon kay Fr. Dennis Soriano, Rector at Parish priest ng katedral, napagpasyahan ng Parish Pastoral Council na ihinto muna ang Stations of the Cross o Daan ng Krus, Parish Recollection at ang pagsasagawa ng Senakulo sa mga barangay na sakop ng katedral.

Bukod dito ang regular na programa ng katedral na “Mahal na ina” na Monthly formation tuwing unang Sabado ng buwan at ang “Dasalmusal” na pananalangin at pagpapakain sa mga naninirahan sa lansangan tuwing sabado ay pansamantala ring ipagpapaliban.

“The Parish Pastoral Council of the Immaculate Conception Cathedral of Cubao, in consideration of the safety of its parishioners and volunteers, has decided to CANCEL all barangay stations of the cross, the senakulo, and the parish lenten recollection (both at the Cathedral and at Robinsons Magnolia).” pahayag ni Father Soraino.

Samantala ang nakatakdang Visita Iglesia at fundraising project para sa retirement home ng mga pari na Casa Silencio ay ililipat sa ibang araw.

Naniniwala si Father Soriano na sa ganitong paraan ay mapangangalagaan ang kalusugan ng mga volunteers at mananampalataya sa parokya.

Hinihikayat din nito ang lahat na patuloy na manalangin at humingi ng awa ng Panginoon upang pawiin ang lumalaganap na epidemya sa buong mundo.

Ika-9 ng Marso inanunsyo ang tatlong bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City, isa sa Project 6, sa Baler Street at sa Tomas Morato, dahil dito nag kansela na din ng klase ang mga paaralan sa buong lungsod.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 45,061 total views

 45,061 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 58,638 total views

 58,638 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 87,202 total views

 87,202 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 135,941 total views

 135,941 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 128,376 total views

 128,376 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 327,307 total views

 327,307 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top