Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop Villarojo, nagpapasalamat kay Pope Francis

SHARE THE TRUTH

 305 total views

Malugod na tinanggap ni Bishop Dennis Villarojo ang pagkakatalaga bilang ika-5 Obispo ng Diocese ng Malolos.

Sa panayam ng Radio Veritas, nagpapasalamat si Bishop Villarojo sa tiwalang ibinigay ng Santo Papa Francisco para pangasiwaan ang diyosesis na may higit sa tatlong milyong mananampalataya, higit sa 200 mga pari at may 100 mga parokya.

Si Bishop Villarojo ay kasalukuyang auxiliary bishop ng Archdiocese ng Cebu na siyang hahalili kay Bishop Jose Oliveros na namayapa noong Mayo ng nakalipas na taon.

Ang diyosesis ay pansamantalang pinangasiwaan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na itinalaga ng Santo Papa bilang Apostolic Administrator.

Ang Obispo ay tubong Cebu City at ginugol ang kanyang 25-taon sa pagkapari sa Archdiocese ng Cebu.

Si Bishop Villarojo ay inordinahan bilang pari noong 1994 at nagsilbi bilang personal secretary ng namayapang si Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal.

Taong 2015 nang ordinahan bilang Obispo at auxiliary bishop ng Cebu.

Itinalaga din bilang General Secretary ng 51st International Eucharistic Congress 2016 na idinaos sa Cebu City.

Sa pagkakatalaga ni Bishop Villarojo apat pa sa mga diyosesis sa bansa ang sede vacante o walang nangangasiwang Obispo.

Sa kasalukuyan mula sa 86 na diyosesis sa buong bansa, apat pang diyosesis ang wala pa ring Obispo kabilang na ang Jolo, Sulu; Iligan; San Jose Mindoro at Taytay-Palawan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,725 total views

 72,725 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,500 total views

 80,500 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,680 total views

 88,680 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,278 total views

 104,278 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,221 total views

 108,221 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

From maintenance to a Mission church

 26,535 total views

 26,535 total views Ito ang isa sa pangunahing bunga ng isinagawang Synod on Synodality sa Vatican na nagsimula noong 2021 at nagtapos noong Oktubre 2024. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top