Talikdan ang kasalanang sumisira sa buhay ng tao.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 71,594 total reads

February 22, 2020 2:58PM

Ito ang hamon ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa pagsisimula ng panahon ng kuwaresma ngayong Ash Wednesday.

Ayon sa Obispo, ito ang hudyat ng mahaba at mahalagang paglalakbay ng mga mananampalataya para sa Paschal Triduum o ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo na pundasyon ng pananampalatayang katoliko.

Dahil dito, ipinaalala ni Bishop Ongtioco na magbalik loob sa Panginoon at talikdan na ang mga kasalanang tulad ng ketong na sumisira sa buhay pananampalataya ng isang tao.

“Ang kasalanan parang ketong, unti-unti kinakain ang laman ng tao unti-unti naaagnas, unti-unti namamatay, kaya sana kilalanin natin ang kapangyarihan na manira ng kasalanan at sa kabilang banda ating kinikilala ang kapangyarihan ng pagbabalik loob pagpapatawad.” Pahayag ni Bishop Ongtioco.

Pinayuhan ng Obispo ang mga mananampalataya na sa apatnapung araw na paglalakbay tungo sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoon ay lagi nilang kasama ang Diyos na umaagapay at nagbibigay pag-asa.

Ipinaalala pa ng Obispo na sa mga pagdiriwang na ito ng simbahang katolika ay huwag kalimutan ng mga mananampalataya ang kapatid sa ibang pananampalataya.

Sinabi ni Bishop Ongtioco na ang dapat na maging panalangin ngayon ng mga mananampalataya ay tulad sa panalangin ni Hesus na mamayani ang pag-ibig at pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala.

“Kapag mayroon kang galit sa iyong kalooban o mababa ang tingin mo sa ibang tao dahil hindi mo karelihiyon, hindi maka kristiyano yan. Ang maka-Diyos, maka-Krisitiyano ay kumikilala sa lahat ng tao bilang ating kapatid, kahit na iba ang kanilang paniniwala. Ang ating dasal, makiisa tayo kay Kristo, balang araw, tayo’y magkakaisa nagmamahalan isang pamilya nagmamahal sa Diyos.” pahayag ng Obispo.

Umaasa si Bishop Ongtioco na magiging matagumpay ang paghahanda ng mga mananampalataya sa panahon ng kuwaresma upang magbunga din ito ng tagumpay sa pagdiriwang ng muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 32,943 total reads

 32,943 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 113,515 total reads

 113,515 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 146,963 total reads

 146,963 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 182,262 total reads

 182,262 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 407,541 total reads

 407,541 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,310 total reads

 37,310 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,201 total reads

 30,201 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top