Magpatawad at humingi ng tawad.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 614 total views

February 26, 2020 2:21PM

Hinikayat ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mananampalataya na huwag mag-atubiling lumapit sa Panginoon sa kabila ng mga pagkukulang.

Sa pagninilay ng obispo sa misang pinangunahan sa Radio Veritas chapel nitong Miyerkules de Abo, binigyang diin nitong ang Diyos ay mahabagin at mapagpatawad kaya’t nakahanda itong tanggapin ang sinumang lumalapit maging ang mga makasalanan.

“Lumapit ka lang sa Diyos ikaw ay siguradong patatawarin,” pagninilay ni Bishop Gaa.

Iginiit ni Bishop Gaa na hindi kinakailangang magpakitang tao upang magpatawad kundi nararapat lamang pairalin ang kababaang loob tulad ng mga halimbawa ni Hesus.

Aniya, marahil natatakot lamang ang tao na lumapit sa Panginoon at humingi ng tawad bunsod ng mga paulit-ulit at malalaking pagkakasalang nagawa laban sa kapwa at sa Diyos.

Hinimok ng obispo ang mga dumalo sa banal na pagtitipon na gawing makabuluhan ang apatnapung araw na paghahanda sa muling pagkabuhay ni Hesus lalo’t ito ay nag-alay ng Kanyang buhay sa katubusan ng lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan.

“Pinagdusahan Niya yung kasalanan natin pero pinagtagumpayan din n’ya ito’ kaya huwag tayong matakot sa inalok na bagong buhay pero kailangan nating tanggapin ang kamatayan sa kasalanan dahil doon lang tayo magkakaroon ng bagong buhay,” dagdag pa ng obispo.

Sinunod din ng Radio Veritas ang inilabas na panuntunan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines hinggil sa paglalagay ng abo na ibudbod lamang sa ulo bilang pag-iingat sa paglaganap ng Corona Virus Disease 2019.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 177,101 total views

 177,101 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 207,324 total views

 207,324 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 233,970 total views

 233,970 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 328,943 total views

 328,943 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 338,491 total views

 338,491 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top