Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo, dismayado sa laganap na vote buying

SHARE THE TRUTH

 12,056 total views

Ikinatuwa ni Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Emeritus Edgardo Juanich ang aktibong pagtupad ng mga mananampalataya sa kanilang tungkulin na bumoto ngayong halalan 2019.

Ayon sa Obispo, marami sa mga botante ang mula pa sa maliliit na isla sa Palawan na hindi naging hadlang upang sila ay pumunta sa mga itinalagang presinto para boboto.

Tinukoy din ni Bishop Juanich ang aktibong partisipasyon ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagsali sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting bilang mga volunteers.

Sinabi ng Obispo na magandang senyales ito na ang mga kabataan ay mayroong kamalayan kung gaano kahalaga ang pakikilahok sa halalan lalo na ang pagbabantay sa mapayapa at patas na eleksyon.

Maraming mga bumoboto, nag participate talaga sila ngayon. Yung ibang galing sa mga islands pero sakop talaga sila ng isang barangay, bumoboto sila…Nakakatuwa rin dahil maraming mga kabataan ngayon ang talagang nag ano [active] sila sa PPCRV bilang mga volunteers.” Bahagi ng pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Sa kabila nito, dismayado naman ang Obispo sa laganap na vote buying sa nasasakupan ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan.

Aniya, sa kanyang obserbasyon at pagkausap sa iba’t-ibang mga tao ay umaabot sa 500 hanggang 1,000 piso ang mga halagang ipinamimigay ng ilang mga kandidato.

Nakapagtataka lamang na walang isa man sa kanilang lugar ang nahuhuli o napapanagot sa batas sa kabila ng malinaw na paglabag sa batas dahil sa vote buying.

Umaasa na lamang ang Obispo na sa kabila nito ay iiral pa rin ang konsensya ng mga botante at manaig pa rin ang karapatdapat na kandidatong mayroong mabuting hangarin para sa bayan at sa kanilang lalawigan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,448 total views

 69,448 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,223 total views

 77,223 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,403 total views

 85,403 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 101,015 total views

 101,015 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 104,958 total views

 104,958 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas NewMedia

Katotohanan, laging nangingibabaw.

 12,579 total views

 12,579 total views Panalangin at Kapayapaan ang ipinaabot ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas matapos na pinawalang bisa ng Department of Justice ang kasong sedisyon laban

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Anti-bastos law, dapat igalang at ipatupad

 12,269 total views

 12,269 total views Pinuri ng Obispo ang pagsasabatas ng Anti-bastos Law na mangangalaga sa mga karapatan at higit na paggalang sa kababaihan. Ayon kay Balanga, Bataan

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

One Good Vote para sa Pilipinas

 12,064 total views

 12,064 total views One good vote ang sagot sa kahirapan, kurapsyon, kabastusan, kasinungalingan at kamatayan. Ito ang binigyang diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, dating Pangulo

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Mga OFW, ligtas sa Kuwait

 12,060 total views

 12,060 total views Sinisiguro ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na maayos ang kalagayan ng mga Overseas Filipino

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top