Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Arsobispo, umaasang hindi mabalewala sa BBL ang mga Lumad at katutubo

SHARE THE TRUTH

 12,193 total views

Umaasa si Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma, SJ, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Mutual Relations na maisasama sa darating na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-usad ng usapang kapayapaan lalo na sa bahagi ng Mindanao.

Ayon sa Arsobispo, mahalagang bahagi ng Bangsamoro Basic Law o BBL ang peace process sa Mindanao at ang pagpapatuloy ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines upang matamasa ang matagal nang inaasam na kapayapaan ng mga komunidad sa rehiyon.

“We are hoping na yung SONA niya will also bring about development sa peace process especially with regard to the Bangsamoro Basic Law and the peace process in Mindanao, and also the companion peace process in the resumption of peace talks in the National Democratic Front of the Philippines. Sa akin I think this is the most important aspiration of the Filipino people, to have peace in our local communities.” pahayag ng Arsobispo sa Radyo Veritas.

Umaasa din ang Arsobispo na maisasama sa BBL ang pangangalaga sa mga lumad at mga katutubo ng Mindanao at iba pang grupo na hindi bahagi ng muslim community dahil ang mga ito ay bahagi din ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

“Dapat kailangan na we also have to protect and promote the rights of the indigenous people and also other groups that are not part of their muslim community, because we also want a period of solidarity with everyone even in the autonomous region.” Dagdag pa ni Abp. Ledesma.

Dahil dito, hinihimok ng Arsobispo ang mamamayan na manatiling kalmado at pairalin ang respeto sa kapwa at sa karapatan ng bawat tao sa kabila ng ating mga pagkakaiba.

Kasabay nito, pinayuhan ni Archbishop Ledesma ang ang mamamayan sa gitna ng karahasang lumalaganap sa lipunan upang mapanagot ang mga may sala at mabigyang katarungan ang mga pamilya ng naging biktima.

Sa kasalukuyan, pinatuloy na inaayos ng Bicameral Conference Committee ang magkakaibang probisyon ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso upang ganap na maratipikahan ang landmark legislature sa pagbubukas ng 2rd regular session ng Kongreso sa ika-23 ng Hulyo, 2018.

Naninindigan sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at House Majority Leader Rodolfo Farinas na ang isasabatas na BBL ay hindi lalabag sa panuntunan ng 1987 constitution.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 134,110 total views

 134,110 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 141,885 total views

 141,885 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 150,065 total views

 150,065 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 164,722 total views

 164,722 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 168,665 total views

 168,665 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas NewMedia

Katotohanan, laging nangingibabaw.

 12,712 total views

 12,712 total views Panalangin at Kapayapaan ang ipinaabot ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas matapos na pinawalang bisa ng Department of Justice ang kasong sedisyon laban

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Anti-bastos law, dapat igalang at ipatupad

 12,397 total views

 12,397 total views Pinuri ng Obispo ang pagsasabatas ng Anti-bastos Law na mangangalaga sa mga karapatan at higit na paggalang sa kababaihan. Ayon kay Balanga, Bataan

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Obispo, dismayado sa laganap na vote buying

 12,182 total views

 12,182 total views Ikinatuwa ni Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Emeritus Edgardo Juanich ang aktibong pagtupad ng mga mananampalataya sa kanilang tungkulin na bumoto ngayong

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

One Good Vote para sa Pilipinas

 12,190 total views

 12,190 total views One good vote ang sagot sa kahirapan, kurapsyon, kabastusan, kasinungalingan at kamatayan. Ito ang binigyang diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, dating Pangulo

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Mga OFW, ligtas sa Kuwait

 12,186 total views

 12,186 total views Sinisiguro ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na maayos ang kalagayan ng mga Overseas Filipino

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top