Kabataan Partylist, dismayado kay Pangulong Duterte.

SHARE THE TRUTH

 5,873 total views

Ikinadismaya ng Kabataan partylist ang mahinang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng soberanya ng Pilipinas.

Ayon kay Sarah Elago, kinatawan ng grupo, kinakailangang paigtingin pa ng mga kabataan ang pagsusulong at panghihikayat sa pamahalaan na pigilan ang China na maangkin ang West Philippine Sea.

Inihayag ni Elago na sisikapin ng kanilang grupo na himukin ang mga kasamahan sa Kongreso upang palakasin ng pangulo ang diplomatikong protesta laban sa China.

“Yung mga sinabi ng Pangulo tungkol sa soberanya ay pareho pa rin ng nasabi n’ya noon, walang bago. Kaya nababahala tayo na sa kabila ng mga panawagan ng ating mga kababayan na magkaroon ng malinaw at malakas na diplomatikong protesta ang ating bansa ay ganun pa rin ang ating narinig.” pahayag ni Elago sa Radyo Veritas.

Sang-ayon sa panlipunang turo ng Simbahan, ang gabay sa pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa isa’t-isa, ay tulad ng gabay sa pakikipagkapwa-tao.

Sinasabi na kailangang nakaugat ito sa katotohanan, katarungan, at pakikiisang may paggalang sa kasarinlan ng bawat mga bansa.

RE-IMPOSITION OF DEATH PENALTY

Samantala, ikinababahala din ng grupo ang pahayag ng pangulo na pagbabalik ng Death Penalty sa Pilipinas.

Aniya, kung mananatiling mabagal at hindi maayos ang justice system ng bansa, ay magiging anti-poor lamang ang pagsusulong ng batas na ito.

“Sa isang justice system, kung saan yung mga mahihirap at mga walang kalaban-laban ang naaapi at naiipit sa kahinaan ng ating justice system, magiging talagang anti-poor lang ang reimposition of death penalty.” pahayag ni Elago.

Inihayag ni Elago na sa halip na isulong ang death penalty ay makabubuting tutukan ng pamahalaan ang lumalalang kahirapan na sanhi ng lumalalang kriminalidad sa Pilipinas.

“Imbis na reimposition of death penalty na napatunayan na naman nitong nakaraang taon na tuloy-tuloy yung pamamaslang sa ilalim ng Duterte administration, hindi yan naging deterent para hindi lumala ang problema, so ibig sabihin meron pa rin tayong mga kailangang gawin.” dagdag pa ni Elago.

Batay sa datos ng World Coalition Against the Death Penalty, umaabot na sa 107-bansa ang nagbuwag ng parusang kamatayan kabilang na ang Pilipinas noong 2006 sa ilalim ng Administrasyong Arroyo.

Naninindigan naman ang Simbahang Katolika sa pagtataguyod ng buhay at pagbibigay ng pangalawang pagkakataon upang magsisi at makapagbagong buhay ang mga nagkakasala.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive mobility

 25,650 total views

 25,650 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »

Para sa content?

 37,728 total views

 37,728 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »

Kabuhayan sa Bangketa

 57,140 total views

 57,140 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »

Street People

 68,260 total views

 68,260 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »

Buhay sa Slum Settlements

 72,186 total views

 72,186 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas NewMedia

Diocese of Cubao, tutol na gawing FPJ avenue ang San Francisco del Monte avenue

 12,390 total views

 12,390 total views Nagpahayag ng pagtutol ang diyosesis ng Cubao sa Senate bill 1822 o pagpapalit ng pangalang San Francisco del Monte Avenue bilang Fernando Poe Junior Avenue. Sa opisyal na pahayag ng diyosesis, hinimok nito ang mga mambabatas at senador na balikan ang kasaysayan dahil dito nag-uugat ang tunay na pagkakakilanlan ng isang lugar gaya

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

Katotohanan, laging nangingibabaw.

 6,106 total views

 6,106 total views Panalangin at Kapayapaan ang ipinaabot ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas matapos na pinawalang bisa ng Department of Justice ang kasong sedisyon laban sa kanya at mga kasamang Obispo at pari. Ayon kay Abp. Villegas, taimtim niyang ipinanalangin ang mga taong nagpahayag ng maling akusasyon at nanalig itong mangingibabaw pa rin ang katotohanan.

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Anti-bastos law, dapat igalang at ipatupad

 5,969 total views

 5,969 total views Pinuri ng Obispo ang pagsasabatas ng Anti-bastos Law na mangangalaga sa mga karapatan at higit na paggalang sa kababaihan. Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos–Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, mahalagang maitaguyod ang paggalang at pagpapahalaga sa mga kababaihan. “It is very important and essential R.A. becomes a

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Panawagang suspensyon sa proklamasyon ng nanalong national candidates, inako ng Pari.

 5,899 total views

 5,899 total views Inaako ni Rev. Fr. Edwin Gariguez ang unang pahayag at panawagan na suspensyon sa proklamasyon ng mga senador sa nagdaang halalan. Ayon sa pari, ito ay kanyang personal na pahayag at hindi sumasalamin sa katayuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o sa Social Arm ng Simbahan na CBCP NASSA/Caritas Philippines kung

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Dahil sa mga problema sa halalan; Black Friday protest, ilulunsad

 5,821 total views

 5,821 total views Nanawagan ang mga Non-Government Organizations sa mamamayan na makiisa sa isasagawang Black Friday Protest bilang pagkondena sa malawakang pandaraya sa katatapos lamang na midterm elections. Ayon kay Atty. Aaron Pedrosa – Secretary General ng Sanlakas na bahagi ng Partido Lakas Masa, kinakailangang imbestigahan ang Commission on Elections at Smartmatic, upang magkaroon ng kaliwanagan

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa national level, pinapasuspendi ng CBCP-NASSA

 5,889 total views

 5,889 total views Isuspinde ang proklamasyon ng mga kandidato sa National Level hanggat hindi napatutunayang walang naganap na pandaraya sa Commission on Elections at Smartmatic. Ito ang panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines National Secretariat for Social Action (NASSA)/Caritas Philippines sa sinasabing manipulasyon sa resulta ng eleksyon. Ayon kay Fr. Edwin Gariguez – Executive

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Obispo, dismayado sa laganap na vote buying

 5,832 total views

 5,832 total views Ikinatuwa ni Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Emeritus Edgardo Juanich ang aktibong pagtupad ng mga mananampalataya sa kanilang tungkulin na bumoto ngayong halalan 2019. Ayon sa Obispo, marami sa mga botante ang mula pa sa maliliit na isla sa Palawan na hindi naging hadlang upang sila ay pumunta sa mga itinalagang presinto

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

One Good Vote para sa Pilipinas

 5,842 total views

 5,842 total views One good vote ang sagot sa kahirapan, kurapsyon, kabastusan, kasinungalingan at kamatayan. Ito ang binigyang diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, dating Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa paglulunsad ng kampanyang One Good Vote ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) noong ika-27 ng Marso sa University of

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Arsobispo, umaasang hindi mabalewala sa BBL ang mga Lumad at katutubo

 5,845 total views

 5,845 total views Umaasa si Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma, SJ, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Mutual Relations na maisasama sa darating na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-usad ng usapang kapayapaan lalo na sa bahagi ng Mindanao. Ayon sa Arsobispo, mahalagang bahagi ng Bangsamoro Basic Law

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Kilalanin ang karapatan ng mga Lumad sa BBL

 5,863 total views

 5,863 total views Nanawagan ang mga katutubo mula sa Mindanao na isama ang kanilang mga karapatan sa nalalapit na pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law. Ayon kay Timuay Leticio Datuwata – Lambangian Tribal Leader, mula sa South Upi, Maguindanao, mahigit na sa tatlong linggong namamalagi ang kanilang grupo sa Metro Manila upang iparating sa mga mambabatas ang

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Mga OFW, ligtas sa Kuwait

 5,838 total views

 5,838 total views Sinisiguro ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na maayos ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers na nanatili sa Kuwait sa kabila nang nakaraang ban na ipinatupad ng pamahalaan. Ayon kay Father Resty Ogsimer, Executive Secretary ng komisyon, personal niyang binibisita ang mga Filipinong nagtatrabaho

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Pag-alis ng ban sa mga skilled worker sa Kuwait, pinuri ng CBCP

 5,858 total views

 5,858 total views Pinasalamatan ni Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang pamahalaan ng Pilipinas at Kuwait dahil sa pagsulong ng Memorandum of Agreement para sa mga Overseas Filipino Workers. Ayon kay Bishop Santos, ang pag-aalis ng ban para sa mga skilled workers ay isa nang

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Mayor,Governor at Congressmen, hinimok na huwag makialam sa BSK election

 5,914 total views

 5,914 total views Nanawagan ang Department of Interior and Local Government o DILG sa mga Mayor, Governor at Congressman na huwag makialam sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Ayon kay DILG Undersecretay Martin Diño, in-charged ng BSK elections, dapat nang ipaubaya ng mga Mayor at Governor ang laban ng mga kandidato sa Baranagay at huwag na

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Diocese ng Marawi, kabalikat ng pamahalaan sa homecoming ng mga Maranao

 5,830 total views

 5,830 total views Patuloy na sinusuportahan ng Prelature of Marawi ang lokal na pamahalaan sa programang “Kambalingan” o Homecoming ng mga Maranao na lumikas noong sumiklab ang bakbakan ng tropa ng pamahalaan at Maute Group. Ayon kay Brother Rey Barnido, Lay Coordinator ng Social Action Center ng Prelature of Marawi, marami sa mga Maranao ang nakabalik

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

AMRSP’s statement on Federalism and Charter Change

 923 total views

 923 total views “The wisdom from above is first pure… open to reason, full of mercy and good fruits… impartial and sincere.”(James 3:17) We as a Filipino nation are again at a crossroads. We are facing a big challenge to change or not to change our form of government from present unitary system to federalism. We

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top