Mayor,Governor at Congressmen, hinimok na huwag makialam sa BSK election

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,760 total reads

Nanawagan ang Department of Interior and Local Government o DILG sa mga Mayor, Governor at Congressman na huwag makialam sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay DILG Undersecretay Martin Diño, in-charged ng BSK elections, dapat nang ipaubaya ng mga Mayor at Governor ang laban ng mga kandidato sa Baranagay at huwag na itong haluan ng kanilang impluwensya.

Dagdag pa ni Diño, mas mabuti rin na ang mamamayan na ang magdesisyon sa kanilang ibobotong mga kapitan, kagawad at SK sa Barangay at hindi na sila maimpluwensyahan pa ng ilang mga kasalukuyang opisyal ng bansa.

“Nakikiusap kami sa mga Mayor at Congressman, yung mga Governor ay huwag na silang makialam sa halalang pambarangay, hayaan na nating mamili ay ang mga botante sa Barangay,” bahagi ng pahayag ni Diño sa Radyo Veritas.

Naniniwala si Diño na kung hindi makikiaalam ang ibang mas mataas na opisyal sa pamahalaan ay mababawasan din ang mga nagaganap na political harassments ngayong panahon ng pangangampanya.

Ayon kay Diño, tinatayang 22 na ang naitala ng DILG na election related violence bukod pa ang mga harassments na iniuulat din sa kanilang tanggapan.

Sa tala naman ng Commission on Elections 684,785 ang mga kumakandidato ngayon sa Barangay Elections habang 386,206 naman ang tumakbo para sa mga pwesto sa Sangguniang Kabataan Elections.

Umaasa naman ang Simbahang katolika sa pamamagitan ng election watchdog nitong Parish Pastoral Council for Responsible Voting na sa maayos na pagpili ng mamamayan sa kanilang magiging pinuno ay magmumula sa Barangay na itinuturing na pinakamaliit na yunit ng pamamahala sa bansa ang pagbabagong matagal ng hinahangad ng mga mamamayan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 855 total reads

 855 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 36,431 total reads

 36,431 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 72,915 total reads

 72,915 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 91,126 total reads

 91,126 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 175,418 total reads

 175,418 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,235 total reads

 378,235 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top