Parusa sa mga sangkot sa pekeng war on drugs, hiling ng mga Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,298 total views

Pangunahing paksa ng ika-walong pagdinig ng Quad Committee ng Kamara ang isyu ng extra judicial killings (EJK), na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Bago ang pagdinig, isang misa ang idinaos sa House of Representatives People’s Center na pinangunahan nina Fr. Joel Saballa-ng Caritas Novaliches, Fr. Noel Gatchalian-Special adviser of relatives of EJK victims, at Vincentian priests Fr. Joselito Sarabia at Christian Sambajon.

Sa homiliya ni Fr. Gatchalian, panawagan nito ang katarungan sa mga nasawing biktima, at kaparusahan sa lahat ng may kinalaman sa pekeng drug war ng nakaraang administrasyon.
Ayon sa pari, dapat ay patawan ng mabigat na parusa ang mga nasa likod ng EJK upang hindi na maulit pa ang ganitong uri ng karahasan,.
Gayunman, nanindigan si Fr. Gatchalian na hindi ‘death penalty’ ang naayon na parusa laban sa mga mapapatunayang nagkasala.

“Ngunit hindi po natin ipaparatang ang pagpatay, sapagkat bilang mga Kristiyano, hindi natin mahahatulan-hindi natin maaring suklian ang pagpatay para patayin ang may sala. Hindi po maka-kristiyano ‘yan. Mabigat sana ang kaparusahan ngunit hindi pagpatay.,” bahagi ng homiliya ni Fr. Gatchalian.

“Kung ito ay napatunayan na state sponsored ay dapat magkaroon tayo ng batas na bigyan sila ng pagkakataon ang mga nanay ng mga biktima na siya ay magkaroon ng kabuhayan. Nawalan na sila ng bread winner, kinakailangan naman na bigyan sila ng kabuhayan o scholarship ang kanilang mga anak.”

Dagdag pa ng pari,”’Walang makakapantay na pagbayaran ang pagpatay ng buhay ng ating minamahal. Kaya mabigyan man lamang natin sila ng ating pagmamahal pamamagitan ng concrete gesture, tulad ng scholarship ng kanilang mga anak.”

“Ang ating reconciliation… ang restorative justice ay bigyan ng pagkakataon na pagsisihan at pagbayaran nila ang mga pumaslang sa mga biktima at bigyan ng katarungan at pagmamahal ang ating mga nanay na naging biktima ng EJK,” ayon pa sa homiliya ni Fr. Gatchalian.

Sa nakalipas na pagdinig, una ng imunungkahi ni Fr. Gatchalian sa QuadComm ang pagbabayad ng danyos ang pamahalaan sa mga pamilyang naulila dulot ng kampanya kontra ilegal na droga ni dating Pangulong Duterte.

Kabilang din sa dumalo sa misa ang mga naulilang pamilya ng mga napaslang ng giyera kontra droga, ang Rise Up for Life and for Rights at mga mambabatas mula sa Makabayan bloc.

Ang QuadComm ay binubuo ng mga komite ng Dangerous Drugs, Public Accounts, Public Order and Safety, at Human Rights -ang joint panel ay pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

Una na ring inimbitahan ng pinagsamang mga komite sina dating Pangulong Duterte at Sen. Ronald Dela Rosa-ang noo’y pinuno ng Philippine National Police sa kasagsagan ng implementasyon ng war on drugs nak ilala rin bialng ‘tokhang’, bagama’t tumangging dumalo sa pagdinig.

Sa ulat ng mga human rights group, hindi bababa sa 20-libo ang bilang ng mga nasawi sa madugong drug war ng nakalipas na administrasyon, na ayon naman sa PNP ay nasa anim na libo ang napaslang sa drug operations ng pulisya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 3,812 total views

 3,812 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 54,496 total views

 54,496 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 60,625 total views

 60,625 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 90,675 total views

 90,675 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 109,681 total views

 109,681 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top