Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, binalaan ni Cardinal Tagle sa deepfake AI

SHARE THE TRUTH

 5,310 total views

Muling nagbabala ang opisyal ng Vatican sa mananampalataya na maging maingat sa mga nababasa at napapanuod online.

Ayon kay Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle, laganap sa internet ang mga Artificial Intelligence (AI) generated content na kadalasang sanhi ng pagkalinlang ng maraming mamamayan.
Tinuran ng cardinal ang kanyang mga AI generated video materials na mapapanuod sa mga social media platforms na nag-iendorso ng iba’t ibang produkto maging ng mga religious articles.

“Maraming kumakalat na endorsement online, fake yun. Kailanman ay hindi ako nagpo-promote ng mga produkto even religious articles kaya mag-ingat kayo at huwag kayong magpapaniwala,” pahayag ni Cardinal Tagle sa Radio Veritas.

Ilan sa mga AI generated materials gamit ang pagkakilanlan ni Cardinal Tagle ang nag-endorso ng mga herbal medicine, portable aircon at religious articles.

Ang mga kumakalat na video ay ginawa gamit ang Deepfake technology na isang uri ng Artificial Intelligence na lumilikha ng convincing fake images, videos at audio recordings.

Sa mensahe ni Pope Francis sa 58th World Day of Social Communications sa temang ‘Artificial Intelligence and the Wisdom of the Heart Towards a Fully Human Communication’ binigyang diin nito ang wastong paggamit ng mga teknolohiya kabilang na ang AI para sa pagsusulong ng ikabubuti at ikauunlad ng pamayanan sa halip na panlilinlang at panloloko sa kapwa.

Bukod kay Cardinal Tagle, nagbabala rin si Tagbilaran Bishop Alberto Uy dahil sa kahalintulad na suliranin ang paggamit ng kanyang pagkakilanlan sa pag-endorso ng mga produkto online.

Sa Pilipinas kung saan mayorya sa mahigit 100-milyong populasyon ay aktibo sa paggamit ng internet umapela ang mga opisyal ng simbahan na maging mapagmatyag at maingat sa mga nakikita online lalo na kung gamit ang pangalan ng mga cardinal, arsobispo, obispo, pari at maging mga institusyon ng simbahan dahil laganap online ang fake accounts.

Sa pag-aaral ng DataReportal nitong 2024 nasa 86.98 million ang internet users sa Pilipinas kung saan nangunguna ang Facebook sa pinakaginagamit na social media platform sa 86.75 million users.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 18,485 total views

 18,485 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 34,574 total views

 34,573 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 72,291 total views

 72,291 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 83,242 total views

 83,242 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 26,712 total views

 26,712 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top