Kahalagahan ng mga katutubo, kinilala ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,281 total reads

Inihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kahalagahan ng mga katutubo sa pamamagitan ng kanilang mga kultura, tradisyon, at ambag sa lipunan.

Ayon kay Bishop Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, ang mayamang kultura ng mga katutubo ay hindi lamang bahagi ng kasaysayan kundi mahalagang bahagi rin ng pagkakakilanlan bilang isang bansa.

Gayunman, ang mga katutubong pamayanan ay nahaharap sa matitinding pagsubok tulad pagkamkam sa kanilang mga lupaing ninuno kapalit ng mapaminsalang pag-unlad.

“Their enduring spirit and heritage are vital threads in the fabric of our society. As we reflect on their invaluable presence, let us remember our shared responsibility to support and uplift our Indigenous brothers and sisters. They face unique challenges and injustices that require our collective action and compassion,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Nananawagan ang obispo sa bawat mananampalataya, na buksan ang mga puso’t isipan at pakinggan nang may pag-unawa ang karanasan ng mga katutubong pamayanan.

Hinahamon din ni Bishop Santos ang mga kinauukulan lalo na ang mga nasa pamahalaan na bigyang-prayoridad ang kapakanan at karapatan ng mga katutubo.

“Ensure their voices are heard and their needs are met with justice and respect. Invest in their communities, protect their lands, and honor their cultural heritage,” saad ng obispo.

Hinihikayat ng obispo ang sambayanang Pilipino na magtulungan at maging liwanag ng pag-asa para sa mga katutubo upang malagpasan ang mga hamong dulot ng pananamantala sa mga likas na yamang kanilang pinakainiingatan.

“Together, we can create a world where every indigenous person is valued and respected, where their traditions are celebrated, and where their future is bright and secure. With hope and determination, let us commit to this noble cause,” hamon ni Bishop Santos.

Ginugunita ngayong Oktubre ang National Indigenous Peoples’ Month 2024 at ang ika-27 anibersaryo ng pagsasabatas sa Indigenous Peoples Rights Act of 1997.

Tema ng pagdiriwang ang “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan”.

Ipagdiriwang din ng simbahan sa October 13 ang Linggo ng mga Katutubo na ang tema para sa susunod na dalawang taon ay “Lakbay-Laya: Kalakbay nang may Pag-asa sa Lupaing Ninuno”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 15,122 total reads

 15,122 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 243,046 total reads

 243,046 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 136,512 total reads

 136,512 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 230,541 total reads

 230,541 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 274,175 total reads

 274,175 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 149,215 total reads

 149,215 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top