Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Parusa sa mga sangkot sa pekeng war on drugs, hiling ng mga Pari

SHARE THE TRUTH

 9,160 total views

Pangunahing paksa ng ika-walong pagdinig ng Quad Committee ng Kamara ang isyu ng extra judicial killings (EJK), na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Bago ang pagdinig, isang misa ang idinaos sa House of Representatives People’s Center na pinangunahan nina Fr. Joel Saballa-ng Caritas Novaliches, Fr. Noel Gatchalian-Special adviser of relatives of EJK victims, at Vincentian priests Fr. Joselito Sarabia at Christian Sambajon.

Sa homiliya ni Fr. Gatchalian, panawagan nito ang katarungan sa mga nasawing biktima, at kaparusahan sa lahat ng may kinalaman sa pekeng drug war ng nakaraang administrasyon.
Ayon sa pari, dapat ay patawan ng mabigat na parusa ang mga nasa likod ng EJK upang hindi na maulit pa ang ganitong uri ng karahasan,.
Gayunman, nanindigan si Fr. Gatchalian na hindi ‘death penalty’ ang naayon na parusa laban sa mga mapapatunayang nagkasala.

“Ngunit hindi po natin ipaparatang ang pagpatay, sapagkat bilang mga Kristiyano, hindi natin mahahatulan-hindi natin maaring suklian ang pagpatay para patayin ang may sala. Hindi po maka-kristiyano ‘yan. Mabigat sana ang kaparusahan ngunit hindi pagpatay.,” bahagi ng homiliya ni Fr. Gatchalian.

“Kung ito ay napatunayan na state sponsored ay dapat magkaroon tayo ng batas na bigyan sila ng pagkakataon ang mga nanay ng mga biktima na siya ay magkaroon ng kabuhayan. Nawalan na sila ng bread winner, kinakailangan naman na bigyan sila ng kabuhayan o scholarship ang kanilang mga anak.”

Dagdag pa ng pari,”’Walang makakapantay na pagbayaran ang pagpatay ng buhay ng ating minamahal. Kaya mabigyan man lamang natin sila ng ating pagmamahal pamamagitan ng concrete gesture, tulad ng scholarship ng kanilang mga anak.”

“Ang ating reconciliation… ang restorative justice ay bigyan ng pagkakataon na pagsisihan at pagbayaran nila ang mga pumaslang sa mga biktima at bigyan ng katarungan at pagmamahal ang ating mga nanay na naging biktima ng EJK,” ayon pa sa homiliya ni Fr. Gatchalian.

Sa nakalipas na pagdinig, una ng imunungkahi ni Fr. Gatchalian sa QuadComm ang pagbabayad ng danyos ang pamahalaan sa mga pamilyang naulila dulot ng kampanya kontra ilegal na droga ni dating Pangulong Duterte.

Kabilang din sa dumalo sa misa ang mga naulilang pamilya ng mga napaslang ng giyera kontra droga, ang Rise Up for Life and for Rights at mga mambabatas mula sa Makabayan bloc.

Ang QuadComm ay binubuo ng mga komite ng Dangerous Drugs, Public Accounts, Public Order and Safety, at Human Rights -ang joint panel ay pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

Una na ring inimbitahan ng pinagsamang mga komite sina dating Pangulong Duterte at Sen. Ronald Dela Rosa-ang noo’y pinuno ng Philippine National Police sa kasagsagan ng implementasyon ng war on drugs nak ilala rin bialng ‘tokhang’, bagama’t tumangging dumalo sa pagdinig.

Sa ulat ng mga human rights group, hindi bababa sa 20-libo ang bilang ng mga nasawi sa madugong drug war ng nakalipas na administrasyon, na ayon naman sa PNP ay nasa anim na libo ang napaslang sa drug operations ng pulisya.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 23,662 total views

 23,662 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 54,801 total views

 54,801 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 60,386 total views

 60,386 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 65,902 total views

 65,902 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 77,023 total views

 77,023 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Batasang Pambansa, nagbigay pugay sa mga nasawi sa bagyong Kristine

 1,020 total views

 1,020 total views Magnilay, manalangin at magbigay pugay sa alaalang iniwan ng mga nasawi dulot ng Bagyong Kristine. Ito ang paghihimok ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa sambayanang Filipino kasabay na rin proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtatakda ng November 4 bilang National Day of Mourning. Sa nagdaang kalamidad, umaabot sa higit isang daan

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Duterte, hindi maikailang ipinag-utos ang pagpatay sa mga sangkot sa kalakalan ng droga

 2,352 total views

 2,352 total views Hindi maikakaila na may ipinag-utos ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na paslangin ang sinumang may kinalaman sa ilegal na kalakalan ng droga. Ito ang naging reaksyon ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Permanent Committee on Public Affairs sa mga pahayag ni Duterte

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Caritas Manila, ikakasa ang 2nd-round na tulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 2,365 total views

 2,365 total views Naghahanda na ang Caritas Manila sa second-round ng pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bayong Kristine. Ito ang inihayag ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila kasabay ng isinasagawang Typhoon Kristine Telethon ng Caritas Manila at Radio Veritas. Unang nagbahagi ng kabuuang 1.2 milyong piso cash ang social arm

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 4,364 total views

 4,364 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Archdiocese of Manila, magsasagawa ng second collection para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 3,163 total views

 3,163 total views Ipinag-utos ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagsasagawa ng second collection sa lahat ng misa sa Sabado, October 26, at Linggo, October 27, bilang tugon sa pangangailangan ng mga biktima ng Bagyong Kristine, kung saan matinding napinsala ang Bicol Region at Quezon Province. Sa Circular No. 2024-75 na inilabas ni Manila Archbishop Jose Cardinal.

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Igalang ang labi ng mga yumao

 3,958 total views

 3,958 total views Mahalaga ang pagpapakita ng respeto at paggalang sa mga labi ng yumao, alinsunod sa mga turo ng simbahan. Ito ang mensahe ni Fr. Joel Saballa ng Diocese of Novaliches bilang reaksyon sa kontrobersyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte na huhukayin niya ang labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kung magpapatuloy

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Imbestigasyon ng Senado sa EJK’s, hindi naakma

 4,495 total views

 4,495 total views Walang anumang batas na nagbabawal sa senado na magsagawa ng parallel investigation sa iniimbestigahan ng Mababang Kapulungan kaugnay sa extrajudicial killings na iniuugnay sa kampanya kontra droga ng nakalipas na administrasyong Duterte. Ito ang sinabi ni House Committee on Dangerous Drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers-na siya ring lead chair ng Quad Committee-

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Total clean-up sa PNP, panawagan ng Obispo

 5,207 total views

 5,207 total views Pinaalalahanan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang mga kabataan na ang pagiging alagad ng batas ay hindi lamang isang uri ng trabaho kundi isang bokasyon. Ito ang mensahe ng Obispo sa pagkakasangkot ng ilang mga uniformed personnel, lalo na ang mga opisyal ng Philippine National Police sa isyu

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dalawang panukalang batas, inihain sa Kamara: EJK bilang karumal-dumal na krimen, pagbabawal ng offshore gaming

 6,580 total views

 6,580 total views Dalawang panukalang batas na bunga ng isinagawang pagdinig ng Quad Committee ang isinumite sa Mababang Kapulungan, ang tuluyang pagbabawal sa POGO at pagkilala sa extra judicial killing (EJK) bilang isang karumal-dumal na krimen. Anti-Offshore Gaming Operations Act Ang Anti-Offshore Gaming Operations Act ay naglalayong ipagbawal ang lahat ng uri ng offshore gaming sa

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Philippine Navy, hindi natatakot sa pagdami ng Chinese vessels sa WPS

 7,061 total views

 7,061 total views Tiniyak ng Philippine Navy ang patuloy na pagpapatrolya sa mga isla sa West Philippine Sea, sa kabila ng patuloy na banta at pananakot ng China. Ito ayon sa panayam ng programang Veritas Pilipinas kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy on West Philippine Sea, kaugnay sa patuloy na pagdami ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sa patuloy na tensyon sa Holy Land; Araw ng pananalangin at pag-aayuno itinakda ni Pope Francis sa October 7

 11,640 total views

 11,640 total views Hinimok ni Pope Francis ang mananampalataya sa buong mundo na makiisa sa isang araw ng panalangin at pag-aayuno sa Oktubre 7 bilang paggunita sa isang taon mula nang umatake ang Hamas sa Israel, kasabay ng tumitinding karahasan sa rehiyon. Ito ang naging panawagan Santo Papa, sa pagtatapos ng kanyang homilya sa misang ginanap

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Quad Comm, iniimbestigahan ang kaugnayan ni Alice Guo sa ‘Fujian gang’

 11,161 total views

 11,161 total views Ito ang katanungang lumutang sa isinagawang pagdinig ng House Quad Committee makarang busisiin ng panel ang mga negosyo ni Guo at posibleng pagkakaugnay sa mga sindikato. Ipinunto ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang mga kahina-hinalang kaugnayan ni Guo at ilang mga indibidwal mula sa Fujian, isang rehiyon sa China

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Opisyal ng pamahalaan na nakipagsabwatan sa POGOs, papanagutin

 11,454 total views

 11,454 total views Tiniyak ng pinuno ng House Quad Committee ang paglalantad at pagpapanagot sa mga opisyal ng pamahalaan na nagtaksil sa bansa sa pakikipagsabwatan sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na sangkot sa kalakalan ng droga, human trafficking, at money laundering. Ito ang inihayag ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers

Read More »
Economics
Marian Pulgo

Budget cut, inalmahan ng 39-SUCs

 11,902 total views

 11,902 total views Nagkaisa ang 39 na State Universities and Colleges (SUCs) sa panawagan sa pagpapanumbalik ng mga bawas sa budget ng SUCs at pagdaragdag ng pondo para sa higher education para sa susunod na taon. Ang nilagdaang ‘unity statement’ ay isinulat ng Kabataan Partylist Partylist, na nilagdaan naman ng mga tagapamahala ng mga kolehiyo at

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Pamahalaan, pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng mga biktima ng EJK

 11,504 total views

 11,504 total views Nanawagan sa pamahalaan ang mga kaanak ng biktima ng extrajudicial killings sa kampanya kontra illegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbayad ng danyos. Ito ang inihayag ni Fr. Manuel Gatchalian SVD, Special adviser of relatives of victims sa pagharap sa Quad Committee ng Mababang Kapulungan na pinamumunuan ni Surigao del Norte

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top