Patatagin ang apostolado ng pamilya at buhay.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 488 total views

Ito ang nakikitang solusyon ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumalabas na 41-porsiyento lamang ng mga Katoliko sa buong bansa ang nagsisimba tuwing araw ng Linggo.

Ayon Archbishop Cruz, dapat mas palakasin at bigyan ng pansin ang apostolado ng pamilya at buhay sapagkat dito nagsisimula ang paghubog at pagsasabuhay ng mga gamapanin ng isang tunay na Katoliko.

“Ang pinakamahusay yung family life apostolate. Ito po ang dapat pagtibayin sapagkat ito talaga ay sumesentro sa tatay, sa nanay at sa mga anak at ito po ay makakatulong talaga sapagkat malaki ang impluwensya niya. One immediate attention should be given to family life apostolate” pahayag ni Archbishop Cruz sa Radio Veritas

Tinukoy ng arsobispo na sa kasalukuyan ay maraming ka-kompetensiya ang pagsisimba kabilang na ang modernong teknolohiya na naging dahilan ng pagiging “Linggo ng libangan” ng dapat sanang Linggo ng pangilin.

“Sa mga panahon pong ito ang dami-daming libangan. Noong panahon namin, mayroon bang text, mayroon bang Facebook, mga puntahan sa beaches etc? Wala po eh, kaya bahay lang at saka simbahan. Marami pong masyadong libangan at parami ng parami yan kaya pahirap talaga ng pahirap na sabihan ang tao na magsimba muna kapag Linggo. Marami pong kalaban ang pagsisimba tuwing linggo,”pahayag ni Archbishop Cruz.

Batay sa survey ng S-W-S, pinakamarami sa dumadalo sa banal na pagtitipon tuwing linggo ay mula sa Iglesia ni Cristo na may 90-porsiyento, sinundan ng Muslim na may 81-porsiyento habang 71-porsiyento naman ang Kristiyano at pinakamababang porsiyento ang nakuha ng mga Katoliko na 41-percent.

Malinaw namang nasasaad sa katuruan ng Simbahang Katolika na ang pangingilin sa araw ng linggo at pistang pangilin ay pagsunod sa ikatlong utos ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 51,896 total views

 51,896 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 69,796 total views

 69,796 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 116,362 total views

 116,362 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 104,136 total views

 104,136 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 121,679 total views

 121,679 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top