Patuloy na panalangin para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao, panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 478 total reads

Walang malaking pinsalang tinamo ang nasasakupan ng Diocese ng Tagum sa naganap na 6.3 magnitude na lindol sa mindanao.

Ayon kay Tagum Bishop Medel Aseo, bagama’t malakas na naramdaman ang pagyanig ay wala namang labis na napinsalang mga bahay, gusali at mga simbahan.

“Pagabi na kasi yun at malakas. Pero nafeel namin yung tremors na malakas pero wala namang nangyaring masama,” Ang bahagi ng pahayag ni Aseo sa panayam sa Radyo Veritas.

Sa kabila nito, humiling din ng panalangin ang obispo sa mamamayan para sa kaligtasan ng mga napinsala at ipag-adya mula iba pang uri ng kalamidad.

“Everytime na may mga calamities na ganito, ganun naman talaga ang ginagawa ng Simbahan to pray harder, to pray for everyone,” dagdag pa ni Bishop Aseo.

Una na ring inihayag ni Fr. Vickney Jalico ang kura paroko sa bayan ng Tulunan na patuloy pa rin nilang nararanasan ang mga malalakas na aftershocks na nagdudulot ng takot sa mga residente ng Tulunan, North Cotabato.

Nagpalabas na rin ng panawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mananampalataya na tulungan ang mga biktima ng lindol.

Sa ulat, may higit sa tatlong libong pamilya o katumbas ng 20 libong indibidwal mula sa 76 na barangay sa Region XI at Region XII ang naapektuhan ng malakas na pagyanig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 11,243 total reads

 11,243 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 46,131 total reads

 46,131 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 82,613 total reads

 82,613 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 100,825 total reads

 100,825 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 184,581 total reads

 184,581 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top