Pagsaayos ng Justice System, iginiit ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 513 total reads

Pagtiyak sa maayos na sistema ng katarungan at pagpapatupad ng batas na naaagkop na solusyon sa kriminalidad sa lipunan at hindi ang pagbabalik ng parusang kamatayan.

Ito ang binigyang diin ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo–Chairman ng CBCP–Episcopal Commission on the Laity kaugnay sa usapin ng Ninja Cops at patuloy na planong pagbabalik ng death penalty sa Pilipinas.

Paliwanag ng Obispo, malaki ang posibilidad na tanging mga mahihirap lamang ang maparusahan lalo na’t ang mga pulis mismo ang sangkot sa katiwalian at illegal na mga gawain.

Giit ni Bishop Pabillo, dapat na tutukan ay ang pagpapatuloy ng imbestigasyon sa usapin ng ninja cops na kinasasangkutan ng nagbitiw na dating PNP Chief Director General Oscar Albayalde.

“Hindi nga solusyon diyan ang death penalty, ang solusyon diyan ay ayusin ang mga kapulisan na kahit naman may death penalty kung hindi naman nahuhuli dahil nga nagpo-protektahan yung mga kapulisan wala namang, ang pagbibintangan lang naman diyan ay yung mahihirap na mga tao at ayusin ang justice system natin na maging mabilis dapat, na kung kunwari nag-resign na si Albayalde tuloy ba ang imbestigasyon sa kanya, so yun ang dapat hindi naman solusyon yang death penalty,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Ayon pa sa Obispo, hindi makapagdudulot ng katarungan ang pagbabalik ng parusang kamatayan hanggat hindi naisasaayos ang sistema ng katarungan at natitiyak ang katapatan at kredibilidad ng mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na silang dapat na nagpapatupad ng batas.

“Kahit na may death penalty kung ang pulis natin ay involve naman sa mga ganyan at wala namang maayos na panghuhuli at ang prosecution natin sa konte natin ay mabagal at nababayaran walang, ang mapapatawan lamang niyan ay ang mga mahihirap,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Sa datos ng Philippine Statistical Authority (PSA) mula taong 1985 o bago pa man muling ipatupad ang Death Penalty noong 1992 ay naitala ang pagbaba ng kriminalidad hanggang 2008 .

Una na ring binigyang diin ng FLAG Anti-Death Penalty Task Force na anti-poor ang Death Penalty sapagkat batay sa pagsusuring isinagawa ng grupo noong May 2004, lumabas na karamihan o 73.1-percent ng mga nasa death row inmates ay mga mahihirap habang 8.2-percent lamang ang nasa middle class at tanging 0.8-percent lamang ang kabilang sa mga nasa upper class.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,128 total reads

 50,128 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,794 total reads

 129,794 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,241 total reads

 163,241 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,539 total reads

 198,539 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,088 total reads

 423,088 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top