Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa ng pagluluklok sa Sto. Niño de Tondo sa Manila Cathedral – October 19, 2019

SHARE THE TRUTH

 6,535 total views

Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Una po sa lahat, magpasalamat at magpuri tayo sa Diyos na Siyang nagtipon sa atin, bilang isang simbahan. Upang sa pagdiriwang ng Eukaristiya, tayo ay mapanibago Niya, mapalakas, bilang tunay na sambayanang kristiyano, nabubuhay sa salita ng Diyos, sa katawan at dugo ni Kristo, at sa ating pagtitipon, bunga ng Espiritu Santo.

At nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa araw na ito sa paglulukolok ng Sto. Niño De Tondo, dito po sa ating Cathedral ng Archdiocese of Manila. Salamat po sa parish, community ng Archdiocesan Shrine ng Sto. Niño De Tondo, sa pamumuno ni Fr. Lito Villegas, salamat po sa pagdadala dito ng ating mahal na imahen, salamat po. (nagpalakpakan ang mga tao)
Sapagkat ang simabahan ng Tondo, palagay ko, 1572 yata, mula noon, nakaluklok na ang Sto. Niño De Tondo. Bago pa nadeklara na Cathedral ang ating simabahan ay may debosyon na sa Sto. Niño De Tondo. Kaya napakaganda na ang kasaysayan ng Archdiocese of Manila, ang kasaysayan ng unang katedral sa Pilipinas, ang Manila Cathedral, ngayon ay yayakapin ang isa sa mga una at pinakamatandang debosyon kay Hesus sa Kanyang taguri bilang banal na bata- Sto. Niño ng Tondo.

Ang atin pong mga pagbasa ay may mga magagandang paalaala tungkol sa ating debosyon, sa batang si Hesus. Kasama na rin ang paalaala ni Hesus na kung hindi tayo magiging tulad ng mga bata, ibig sabihin tulad Niya, hindi tayo mapapabilang sa paghahari ng Diyos. Ang mundo natin ngayon, maraming modelo ng pagiging bata at sasabihin pa nung iba, “bakit asal bata ka? Diba sabi ni Hesus, ‘pag hindi ka naging bata, hindi ka papasok sa paghahari ng Diyos.” E pero ang pamantayan ng pagiging bata, hindi yung mga binibigay ng mundo. Magpapabanat ng.. (bahagyang natawa ang Cardinal)ng ano ba ‘to? ng mukha! Ayan, mukha na akong bata. Magpapakulay ng buhok, iba-ibang kulay, noh? Minsan green, minsan purple, minsan brown. Ayon! Bata na, oho. Magbibihis ng parang teenager, bata na. Pero para sa atin ang pagiging bata ay pagtulad kay Hesus at lalo na po para sa atin, taga Archdiocese of Manila at Sto. Niño De Tondo. Ang pagiging bata sa paghahari ng Diyos ay nangangahulugan, tularan si Hesus. Si Hesus na nanatiling bata, anak, anak ng Ama.

Papa’no maging bata? Alam natin ang buhay ni Hesus. Subalit sa mga pagbasa, may dalawa tayong paalaala.

Una po, sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma, binibigay niyang halimbawa sa atin si Abraham. Si Abraham may edad na at ang kanyang asawa, si Sarah, may edad na rin, hindi sila magkaanak. Pero ipinangako ng Diyos sa kanila, “Abraham, magiging ama ka ng napakaraming bansa, katulad ng mga tala sa langit. Hindi mo mabilang, ganyan karami ang iyong magiging anak.” Kung ako si Abraham, sasagutin ko ang Diyos e, sasabihin ko, “Diyos, salamat ha pero, hindi nga kami maka-isang anak, tapos sasabihin mo, magiging ama ako ng ganyang karami. May edad na ako, may edad na yung asawa ko. Sabi nga nila baog, paanong mangyayari ‘yan?” Mabuti na lang, hindi ako si Abraham, kung hindi, naiba ang kasaysayan. Sabi ni San Pablo, si Abraham, nanalig sa Diyos. Kahit na parang imposible, at parang sasabihin nga natin, sa tahasang salita, ay walang katuturan ang sinabi sa kaniya ng Diyos. Pero nanalig siya, dahil ang nangangako ay ang Diyos. ‘Yan ang pagiging bata.

Maraming bagay, hindi natin lubusang mauunawaan. Ganyan ang birhen Maria, ang daming mensahe sa kanya ng anghel, ng mga pastol, pati yung kanyang anak na nakabayubay sa krus, hindi niya naunawaan lahat, subalit, nanalig sa Diyos. Si Hesus, maraming bagay din bilang tao, hindi Niya maunawaan. Nakabayubay sa krus, ano ang isang panalangin ni Hesus? “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo naman ako pinabayaan?” Dumaan Siya sa matinding lungkot, subalit hindi nawala ang pananalig. Sa bandang huli ang sinabi pa rin niya, “Ama sa iyong mga kamay, ihahabilin ko ang aking sarili.”

‘Yan ang pagiging bata. Nakita natin kay Abraham, nakita natin sa mga dakila na babae at lalaki ng pananampalataya, ang pag-asa ay sa Diyos. Kahit na hindi ko lubusang nauunawaan ang Diyos, sa kanya ako aasa. Ang kabaligtaran niyan ay, ilagay ang pag-asa hindi sa Diyos, kundi sa mga diyos-diyosan. Maraming tao ang pag-asa na at pananalig, sa pera. Kaya hanap nang hanap ng pera. Akala, basta maraming pera, ang buhay mo, ayos na. Yung iba ang hanap, posisyon, basta ako ay may tamang posisyon, ayos na ang buhay ko. Yung iba, basta ang pangalan ko, ang pangalan ko ay tanyag, ako ay pamoso, ayos na ang aking kinabukasan. Kaya, inihahabilin natin ang ating buhay sa pera, sa karangalan, sa ambisyon. Eh kapag ginawa natin ‘yon, tatanda ka. Mamemerwisyo ka. Konsumisyon ‘yan, araw-araw tinitignan mo, “teka magkano na ba ang interes sa bangko?” Hindi ka kasi makapagtiwala sa Diyos, ang tiwala mo sa pera, posisyon, sino diyan ang kalaban ko? Sino diyan ang lalaban sa akin? Sino ang tatakbo? Tatanda ka. Ang pusong bata, may kapayapaan dahil nagpapakumbaba. Hindi siya ang nagko-kontrol sa buhay niya. inihahabilin ang sarili sa Diyos.

Kaya ang debosyon natin sa Sto. Niño, sana, hindi lamang sa pamamagitan ng mga seremonyas, kundi sa pagtulad kay Hesus- anak ni Maria, anak ni Abraham. Sila, nanatiling bata sa mata ng Diyos.

At ang ikalawa po at pagtatapos sa ebanghelyo, sinasabi ni Hesus, na may mga pagkakataon na baka subukin tayo. Tayo ba ay sasaksi pa rin kay Hesus? O itatatwa natin Siya? ‘Pag ikaw ay inuusig na dahil sa iyong pananampalataya kay Hesus. Pangangatawanan mo pa ba na ikaw ay alagad Niya? bahagi ito sa pagiging bata. Sabi ni Hesus, kapag ikaw ay kinaladkad na, iniharap sa tagapamahala ng Sinagoga at mga may kapangyarihan na lilitis sa iyo, huwag kang mabahala. Huwag mong isipin kung papa’no mo ipagtatanggol ang sarili mo. Ang Espiritu Santo ang magtuturo sa iyo.

Mga kapatid napakahirap nito, ‘no ho? Diba ‘pag kayo ay i-tsinitsismis, ang gusto mo agad eh sugurin yung gumagawa ng usap laban sa iyo. Gusto mong sugurin, gusto mong ingudngod sa lupa, gusto mong putulan ng dila. Ipagtatanggol mo ang sarili mo. Ang hirap nitong turo ni Hesus, ano ho? Pero bahagi ito sa pagiging bata. Sino ang magtatanggol sa iyo? Ang sarili mo o ang Espiritu Santo? Hayyy (bahagyang natawa ang Cardinal) Tayo diba ho? Parang ang ating instinct, ang tulak sa atin, “ako ang magtatanggol sa sarili ko at karangalan ko.” “At kung may kilala ako na may koneksyon, aba, gagamitin ko ang mga koneksyon ko, ipagtanggol ko lamang ang sarili ko.” Pero sa ebanghelyo ang pagiging bata- huwag kang mabahala. Ang Espiritu Santo ang magtuturo sa iyo. Sumaksi ka, nahihirapan ka, magtiwala ka, manatili kang bata kahit sa gitna ng pag-uusig. Nakita natin ‘yan kay Hesus, pati si Pilato, nagkamot na ng ulo. Ang dami niyang tanong, sabi ni Pilato, “hindi ka ba magsasalita? Sumagot ka, puwede kitang palayain.” Sinasabi ni Pilato, umasa ka sa akin. Ang kalayaan mo nasa akin. Ang katahimikan ni Hesus ay pagiging bata. At sa ikatlong araw, binuhay Siyang muli ng Ama na Kanyang pinagkatiwalaan.

Sa pagharap natin sa maraming pagsubok, mananatili kaya ang ating pagiging bata? Year of the youth, puwede bang malaman sino sa inyo yung totoo lang ha, yung tunay na kabataan? Pakitaas ang kamay ho. ‘Yan, ‘yon.. may mga natutukso oh, parang gusto (bahagyang natawa ang Cardinal) oh mga kabataan ha, sana lagi kayong matuto sa pagiging bata, hindi sa mga sinasabi ng advertising, mga sinasabi ng mundo. Tularan ang batang si Hesus. Ang kanyang tiwala, pananalig sa ama, na hindi natitinag kahit na may pagsubok sa buhay.

Mga kapatid sa parokya at Archdiocesan Shrine ng Sto. Niño De Tondo, napakagandang bahagi ng kasaysayan ng ating parokya ng shrine ang pagiging missionary. Misyonero. Ang parokya ng Tondo dati ay may misyon, sa Calumpit, sakop ‘yan ng Tondo, ng parokya ng Tondo. Nagmimisyon ang parokya ng Tondo hanggang Calumpit. Pati Hagonoy yata. Tapos, nadagdagan pa ‘yan, hanggang Pampanga, Betis. Sumunod ang Malabon, bahagi ng kasaysayan ng Sto. Niño De Tondo ang pagiging misyonero. Hindi lamang para sa amin ang aming pananampalataya. Ang pananampalataya kay Hesus, ibinabahagi. Bagamat, ang Bulacan ay may sarili na ring diyosesis, ang Malabon ay bahagi na rin ng ibang diyosesis, huwag sanang mawala ang espiritu, ang diwa ang misyon na nasa ugat ng parokya ng Sto. Niño De Tondo.

Magmisyon sa pamilya, mag-misyon sa mga kabataan, mag-misyon sa mga pamilyang nagkakawatak-watak. Mag-misyon sa mga kabataan na natutukso at naliligaw ng landas. Magmisyon. Dalhin si Hesus. Huwag nating sayangin ang napakaganda na pundasyon ng ating parokya.

Tayo po’y tumahimik sandali, at tanggapin muli ang biyaya ng araw na ito. At hilingin nating masundan natin si Hesus sa kanyang pagiging bata.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 4,854 total views

 4,854 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 35,993 total views

 35,993 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 41,580 total views

 41,580 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 47,096 total views

 47,096 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 58,217 total views

 58,217 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa New Bilibid Prison, Maximum Security – December 21, 2019

 6,525 total views

 6,525 total views Mga kapatid, magandang umaga po sa inyong lahat. Magpasalamat tayo sa Diyos, binigyan N’ya tayo ng magandang panahon, at nagkakasama-sama po tayo. Sabi ni sister, first time kong magmisa sa covered court, kasi dati sa chapel, e ito nga malaki nga ang covered court parang na doble yata ang attendance, natriple pa, so

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA)

 6,524 total views

 6,524 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA) November 15, 2019 – Manila Cathedral My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks to God for this beautiful day. We also give thanks to God for bringing us together as

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap November 16, 2019, San Andres, Maynila

 6,482 total views

 6,482 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, muli po, nagpapasalamat tayo sa Diyos na tayo ay magkakasama muli sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap. Ito po ay sinimulan ni Pope Francis, sabi n’ya meron tayong World Youth Day, meron tayong World Meeting of Families, dapat magkaroon tayo ng World Day of the

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Mass for the Deceased Priests and Religious Arzobispado de Manila Chapel, Intramuros November 8, 2019

 6,494 total views

 6,494 total views We thank God for bringing us together, and we thank God for this beautiful practice, a beautiful tradition in our Archdiocese [where we] dedicate one morning of Eucharistic to remember our Bishops, Priests, I don’t know if we have deacons, and religious men and women. Of course we do not forget our beloved

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Mass and blessing of the new facilities of the Holy Trinity Academy, Sampaloc, Manila October 11, 2019

 6,492 total views

 6,492 total views My dear brothers and sisters in Christ, we thank God and praise God for this beautiful day and we thank God for bringing us together as one community. Puwedeng malaman sino sa inyo ang pinaka bata? (Some students raised their hand) Meron bang nasa grade 1? Naku, wala? So anong grade kayo? (Crowd

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Kapistahan ni San Miguel at mga Arkanghel- National Shrine of Saint Michael and the Archangels September 30, 2019

 6,578 total views

 6,578 total views Mga minamahal na kapatid sa ating pananampalataya, nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa pagtitipon na ginawa N’ya sa atin ngayong linggong ito. Tuwing linggo, ang bayan ng Diyos ay nagpapasalamat sa paggunita sa tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan at kasalanan, at tuwing linggo, harinawa, tayo rin bilang katawan ni Kristo ay nakikiisa

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati

 6,462 total views

 6,462 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati September 15, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay nagbibigay puri at pasasalamat sa Diyos. Siya po ang nagtipon sa atin bilang isang sambayanan, bilang isang komunidad, bilang isang simbahan o parokya. Lalo

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation at Quezon Memorial Circle

 6,456 total views

 6,456 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation September 1, 2019 Quezon Memorial Circle My dear sisters and brothers in Christ, maganda at mabuting umaga po sa inyong lahat. I noticed that our commentator did not say, “Please be seated,” she’s very realistic. Alam n’ya na

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Kayabangan ng tao, dahilan ng pagkasira ng kalikasan

 6,529 total views

 6,529 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antoni Cardinal Tagle ang pagbubukas ng Season of Creation ngayong unang araw ng Septyembre 2019 sa Liwasang Aurora Quezon Memorial Circle. Kaisa sa banal na misa sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Kalookan Bishop Pablo Virgiliio David. Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang diin nito ang

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila of Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa at Manila Cathedral

 6,674 total views

 6,674 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa Manila Cathedral August 22, 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and honor to God who has gathered us as one community, as one church in this beautiful day, the Memorial of the Queenship of Our

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE at University of Santo Tomas

 6,509 total views

 6,509 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE University of Santo Tomas July 16. 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we thank God for bringing us together on this almost rainy day so that in the Eucharist we will

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Maging maawain, mahabagin, at totoo sa kapwa

 6,557 total views

 6,557 total views Ito ang hamon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng pagtatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life. Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat mananampalataya ay nagnanais na makasunod kay Hesus, subalit hindi ito madali dahil kinakailangang tularan ng

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament at Sta. Cruz Parish

 6,517 total views

 6,517 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, Sta. Cruz Parish June 23, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpasalamat sa Diyos, na S’yang nagtipon sa atin bilang isang simbahan, sambayanan, isang pamilya ng pananampalataya, at tayo po ay

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homilya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon – April 18, 2019 – Manila Cathedral

 6,475 total views

 6,475 total views Mga minamahal na kapatid kay Hesukristo, magpasalamat po tayo sa panginoon tayo ay tinipon niya para sa pagsisismula ng ating pagdiriwang ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukrito. At sa gabing ito atin pong ginugunita sa pagtatakip- silim ang hapunan na tinawatawag nating huling hapunan ng Panginoon kasama ang kanyang mga

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Palm Sunday mass at Our Lady of Peñafrancia Parish, Paco, Manila

 2,442 total views

 2,442 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Palm Sunday mass Our Lady of Peñafrancia Parish, Paco, Manila April 13, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, magpasalamat po tayo sa Diyos, tayo ay Kan’yang binuklod bilang isang sambayanan ngayong atin pong sinisimulan ang mga Mahal na araw, o ang tawag natin Holy Week,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top