102,619 total views
Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal.
Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams.
Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at malware sa target na biktima… Ibig sabihin naman ng SMISHING ang mga natatanggap na mapanlinlang na text messages at ang VISHING ay isang uri ng phone-based cyberattack. Ito ay mga panloloko o money scam ng mga cybercriminal… Nabatid sa pag-aaral na 70-porsiyento ng mga Filipino ay target nitong cyber fraud.
Ayon sa TransUnion, 18-porsiyento ng digital fraud attemps ay nangyayari sa communities industry na kinabibilangan ng online forums at dating websites na originated sa Pilipinas.
Sinasabing ang digital fraud sa seven markets na kinabibilangan ng Pilipinas ay mataas sa global average na 5.2-porsiyento.
Ang sinasabing “cyber fraud” ay pamamaraan online upang linlangin ang mga user na ibunyag ang kanilang personal information na ginagamit ng mga cybercriminal for financial gain…Babala sa mga consumer na ang “digital scam” o panloloko online ay patuloy na nag-e-evolve habang patuloy ding dumarami ang online business.. Dahil sa evolution, anumang fraud prevention methods sa online scam ay hindi nagiging epektibo.
Sa pag-aaral ng TransUnion, ngayong 2024 ay nakapagtala ang retail sector ng 12.7 percent na attempt rate; 4.6-percent ang digital fraud sa unang anim na buwan ng 2024 ang naitala sa public sector habang mababa naman sa financial services,logistics,travel and leisure at telecommunications…
Sinasabi sa ROMANS 12:9-10, “Love must be sincere. Hate what is evil; cling to what is good. Be devoted to one another in love. Honor one another above yourselves.”
Kapanalig, nararapat tayo ay maging mapagmatyag, maging alerto, mag-discern upang hindi tayo mabiktima ng cybercriminals.
Sa Vatican document na inilabas ng Dicastery for Communication na “TOWARDS FULL PRESENCE”: A Pastoral Reflection on Engagement with Social Media” ay hinihimok ng Simbahang Katolika ang lahat ng social media users na gamitin ang modernong platform sa pagsusulong ng “culture of respect, dialogue at friendship.
Binigyan diin sa Pastoral Reflection ng Vatican Dicastery for Communication ang parable of the Good Samaritan, “by which Jesus makes us answer the questions, Who is my niegbhor? Mula sa tanong ng isang law expert, “What must I do to inherit eternal life? Ang sagot sa katanungang ito ay nakasalalay sa bawat henerasyon na madiskubre ang role sa digital world.
Sumainyo ang Katotohanan.