Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pilipinas, malaki ang pakinabang sa ASEAN summit

SHARE THE TRUTH

 298 total views

Ito ang ipinagmalaki ng Department of Trade and Industry. Bukod sa pagpapatatag ng ugnayan sa mga kapit-bayan, naniniwala ang D-T-I na malaki ang naitutulong sa ekonomiya ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) 2017 na ginaganap sa bansa.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nakikinabang din ang Pilipinas sa mga programa at kasunduan na ipinapatupad ng ASEAN partikular na ang pagbaba ng binabayarang buwis sa mga inaangkat at inilalabas na produkto ng bansa. “Para maimprove ang trading relationship, kasama ang pagbaba ng mga tariff wage ng mga produktong iniimport ay nagkaroon ng programa na tuloy-tuloy na pagbaba ng tariff rates para maengganyo ang intra-ASEAN or trading between ASEAN countries,” pahayag ni Lopez.

Sa ulat ng DTI, sa kasalukuyan ay 95-porsiyento ang mga produkto na ini-export at ini-import ng Pilipinas sa mga ASEAN countries ay tax-free o walang taripa. Binigyang-diin din ng kalihim na ang pagpasok ng mga Filipino products sa world market ang isa sa pinakamahalagang benepisyo na nukukuha ng Pilipinas bilang kasapi ng kinikilalang samahan sa buong Asya.

Sa tulong ng asosasyon, one third(1/3) ng pandaigdigang ekonomiya o kalahati ng kabuuang 620-milyong populasyon ng A-S-E-A-N ang naabot ng mga produktong gawa ng Pinoy.

Inihayag pa ng kalihim na sa kasalukuyan ay patuloy na pinapalakas ng departamento ang lokal na produksyon upang lumaki ang kapasidad ng bansa na mag-export ng mga produkto na sinasabing susi sa pagtamo ng isang magandang trade balance. Unang inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang matibay na ugnayan sa pagitan ng iba’t-ibang bansa ang susi sa pagtamo ng isang maunlad at produktibong mundo.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 6,979 total views

 6,979 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 40,430 total views

 40,430 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 61,047 total views

 61,047 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 72,524 total views

 72,524 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 93,357 total views

 93,357 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 5,095 total views

 5,095 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 92,219 total views

 92,219 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 85,411 total views

 85,411 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top