209 total views
Nangangamba ang Provincial government ng Pampanga na malugi ang mga negosyante ng itlog ng itik sa Pampanga dahil sa avian influenza sa lalawigan.
Ayon kay Joel Mapiles, public information officer ng Pampanga, hindi dapat kabilang ang mga itlog sa mga produkto na ipinagbabawal na lumabas ng lalawigan dahil hindi naman apektado ang mga itik ng influenza lalo na ang mga itlog. “Ang produkto pong itik ng Candaba, Pampanga ay safe sa bird flu at ang alkalde po mismo na si Danilo Baylon ang unang kumain ng itik at ballot. It goes to show na malinis ang aming mga produkto dito, walang bird flu sa Candaba,”pahayag ni Mapiles. Ang Candaba, Pampanga ang pinakamalaking supplier ng itlog ng itik sa iba’t-ibang bahagi na bansa na may 1.8 milyong itik at nagpro-produce ng 1.2 milyong itlog kada araw. “Wala pong bird flu ang itlog at itik ng Candaba na pinatunayan ng Bureau of Animal Industry. Negative po ang kanilang pagsusuri. Kaya nakikisuyo po kami sa mga pulis dyan sa Bulacan, sa local government unit sa Bulacan na huwag ipagbawal ang transportasyon ng mga itlog at itik, dahil hindi naman kasama yan sa mga manok na nacontaminate ng bird flu diyan sa San Luis,” ayon kay Mapiles.
Ipinag-utos na rin ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang pagpatay sa may 200 manok na apektado ng bird flu na babayaran ng 80-piso bawat isa bilang tulong sa local poultry farm. Kaugnay nito, may ugnayan na ang iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno bilang tugon sa avian influenza at bird flu virus sa Pampanga.
Ayon kay Department of Health Secretary Jean Paulyn Ubial, natukoy na ang mga farm kung saan nagmula ang avian influenza na kasalukuyang naka-quarantine maging ang mga farm workers at mga produkto upang matiyak na hindi na ito kakalat pa. Sinabi pa ng kalihim na bagama’t hindi karaniwan na naipapasa sa tao ang sakit ng mga hayop ay may naitalang tatlong kaso sa South East Asia na nahawa ang tao ng avian flu. “Very rare po na nangyayari yan na ang sakit ng hayop ay napupunta sa tao. Hindi rin po nakukuha sa pagkain ng manok, meat products at itlog, nakukuha po yan sa direct contact sa live animals na affected,” ayon kay Ubial.
Nilinaw din ng kalihim na hindi nakakahawa ang avian influenza mula sa patay na karne ng manok o baboy kundi ang direct contact sa mga buhay na hayop na apektado ng virus. Sinabi naman ni secretary Piñol na ito ang kauna-unahang bird flu outreak sa bansa kung saan higit sa 200,000 manok ang papatayin para hindi na kumalat ang virus.
Sa mensahe ni Pope Francis, mahalaga ang pagtutulungan at kilalanin ang kakayahan ng bawat isa para sa pangmatagalang relasyon maging sa pakikipagkalakalan.