1,021 total views
Ipinaalala ni Father Dan Cancino, Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Healthcare o CBCP-ECH na ang tamang pangangalaga sa sarili at pagpapanatili ng kalinisan sa katawan ang pangunahing panangga sa mga sakit.
Inihayag ni Father Cansino na ang pagiging malinis sa katawan ang “first line of defense” para hindi mahawa ng sakit.
“Bumalik tayo dun sa observe proper sanitation to really prevent the contamination of Bird flu, yung proper hygiene, washing of hands, ito yung tinatawag nating first line of defense natin against possible infection. At kung meron mang nilalagnat na specially kung kayo ay nagha-handle ng mga manok na nanggaling sa lugar na may outbreak, mas magandang magreport tayo sa hospital for confirmation,” pahayag ni Fr. Cancino sa Radyo Veritas
Tiwala din ang Pari sa kakayahan ng pamahalaan na mapigilan ang pag-kalat ng sakit at may sapat na kapasidad ng mga ahensya upang suriin at gamutin ang mga taong mahahawa ng karamdaman.
“Sa assessment at karanasan ng komisyon at yung nakikita [namin] dito sa bansa, handa naman ang bansa natin na i-test at gamutin kung meron mang bird flu outbreak sa ating bansa,” dagdag pa ng Pari.
Palawakin ang “public information”.
Iminungkahi ng Greenpeace Philippines sa pamahalaan na magkaroon ng malawak na pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa Avian Influenza o Bird Flu.
Ayon kay Leonora Lava, Senior Campaigner on Ecological Agriculture na mahalagang lubos na maipaunawa sa taumbayan lalo na sa poultry farmers kung ano ang Bird flu, paano ito nakukuha at paano ito makokontrol.
Aniya, sa pamamagitan nito maiiwasan ang pagkalat ng sakit at mapipigilan ang isang outbreak.
“Ang gobyerno dapat mayroong malawak na public information about avian flu, specially informing the public about symptoms, and then kung affected siya, ano yung dapat na ginagawa ng tao. Yung what to do kapag infected na at kapag nahawa ka na. Also kapag may outbreak na dapat vigorous doon sa ano yung mga precautionary measures na ginagawa kapag may outbreak,” pahayag ni Lava sa Radyo Veritas.
Samantala, tiniyak naman ni Department of Health Secretary Paulyn Jean Ubial na kontrolado nila ang sitwasyon at walang dapat ikabahala ang taumbayan sa pagkalat ng sakit.
Ayon kay Ubial, bagamat maaaring maipasa sa tao ang sakit na Avian influenza, ay “very rare” lamang ang ganitong kaso.
Hindi apektado ng bird flu ang mga itlog ng Itik.
Visit: www.veritas846.ph
Batay sa ulat ng D-O-H aabot sa 400,000 mga manok at iba pang poultry stocks ang kanilang hiniwalay at isinailalim sa quarantine upang matiyak na hindi na kakalat pa ang sakit sa mga hayop.