War is total destruction at disaster

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 348 total views

Hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People o CBCP-ECMIP ang sambayanang Pilipino na ipanalangin ang kaligtasan ng mga Pinoy at iba pang nationals sa pinangangambahang pag-atake ng North Korea o NoKor sa Guam at Korean Peninsula.

Hinihikayat ni CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (ECMI) chairman Balanga Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na ipagdasal at hingin ang patnubay ng Panginoon para malinawagan ang mga lider ng naturang bansa na isulong ang kapayapaan at kasagraduhan ng buhay.

Iginiit ni Bishop Santos na higit na kailangang ang sama-samang pagsusumamo sa Diyos na hipuin ang puso ng mga lider ng mayayamang bansa na i-renounce ang digmaan na magdudulot lamang ng total destruction at disaster.

“At these perilous and uncertain times, we have to pray. Let us pray constantly, begging God to enlighten our leaders to work for peace and promotion of human life. May they value life more than anything else, and renounce war which is total destruction and total disaster,” panawagan ni Bishop Santos.

Naging mainit ang tensiyon sa pagitan ng NoKor at Amerika matapos magpakawala ang Pyongyang ng intercontinental ballistic missile (ICBM) na sinasabing makakarating sa Guam na teritoryo ng Amerika.

Kasabay nito, muling nagbanta ang NoKor ng pambobomba sa US military bases sa Guam kung saan tinataya ng Department of Foreign Affairs na 40-porsiyento ng populasyon o katumbas ng mahigit sa 42-libong residente ay mga Filipino.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Bishop Santos ang mga mamamayan sa mga apektadong lugar na maging alerto sa mga maaaring mangyari.

“Also we appeal our people to be always vigilant, careful and observe proper rule of law of Guam. We at CBCP ECMI are with you, praying for your safety and security. God bless you all,” panawagan ni Bishop Santos sa pamamagitan ng Radio Veritas.

Pinag-iingat ng Simbahan at pamahalaan ang may nasa 69,000 Filipino sa South Korea na maapektuhan din ng nagaganap na iringan sa pagitan ng Amerika at North Korea.

Nauna rito, lumiham si Bishop Oscar Cantu, Chairman ng US Conference of Catholic Bishops Committee on International Justice and Peace kay US Secretary of State Rex Tillerson para makipagtulungan sa international community at pag-usapan ang mapayapang resolusyon sa banta ng missile attack ng North Korea laban sa Guam na isang US territory.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 2,651 total views

 2,651 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 26,967 total views

 26,967 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 62,757 total views

 62,757 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 104,613 total views

 104,613 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 157,773 total views

 157,773 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 13,975 total views

 13,975 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 232,502 total views

 232,502 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top