AFP,naka-red alert sa girian ng Amerika at NoKor

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 372 total reads

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na nakahanda na ang mga kagamitan na gagamitin sakaling kailanganing ilikas ang mga Filipino na nasa Guam na umaabot sa 42,000.

Ito ay kaugnay sa bantang missile attack ng North Korea sa Guam na teritoryo ng Estados Unidos.

“Kami po ay kasapi sa komite na naghahanda sa anumang maaring mangyari para matulungan ang ating kababayan. Nakahanda kami para mag-provide ng transportation para mailikas ang ating mga kababayan sa anumang lugar na maaring puntirya ng North Korea,”pahayag AFP spokesperson Brig. General Restituto Padilla

Inihayag ni Padilla na sa kasalukuyan ay mayroong limang C-130 ang AFP at dalawang barko na maaring paglulanan ng 1,000 pasahero.

“Bukod doon, may kakayahan din tayo na makipag-unayan at makipagtulungan sa Department of Foreign Affairs sa pagrenta ng mga kagamitang pandagat na puwedeng gamitin sa transportation ng ating mga kababayan tulad ng ginawa natin sa Gitnang Silangan,” pagtitiyak ni Padilla.

Kaugnay nito, nakaantabay at nakahanda ang Simbahang Katolika na tumulong sa pamahalaan para matiyak na kaligtasan ng mga Filipino sa Guam at South Korea.

Una na ring lumiham si Bishop Oscar Cantu, chairman ng US Conference of Catholic Bishops Committee on International Justice and Peace kay US Secretary of State Rex Tillerson para makipagtulungan sa international community at pag-usapan ang payapang resolusyon sa banta ng missile attack ng North Korea laban sa Guam na isang US territory.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 9,997 total reads

 9,997 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 44,966 total reads

 44,966 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 81,450 total reads

 81,450 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 99,662 total reads

 99,662 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 183,475 total reads

 183,475 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top