Pilipinong Pari, itinalagang auxiliary bishop ng Diocese of San Jose California

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,412 total views

Isang Pilipinong Pari ang itinalaga ng Santo Papa bilang bagong Auxiliary Bishop ng isang diyosesis sa Estados Unidos.

Ayon sa Holy See Press Office, itinalaga ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV si Msgr. Andres Ligot bilang bagong Auxiliary Bishop ng Diocese of San Jose sa California.

Kasalukuyang nagsisilbi si Msgr. Ligot bilang Vicar General ng nasabing diyosesis mula 2023.

Si Msgr. Ligot ay pari mula sa Diocese of Laoag bago opisyal na mailipat sa Diocese of San Jose noong 2004, kung saan siya rin naglingkod sa iba’t ibang parokya.

Ang pagtatalaga kay Bishop-elect Ligot ay itinuturing na dagdag na biyaya at inspirasyon hindi lamang sa Simbahang Katolika sa California kundi maging sa pamayanang Pilipino sa buong mundo.

Sa kasalukuyan, ilan pang mga Pilipinong Obispo ang naglilingkod sa iba’t ibang bansa sa labas ng Pilipinas, kabilang na sina Bishop Oscar Solis ng Salt Lake City—ang kauna-unahang Filipino bishop na naitalaga sa Estados Unidos—at iba pang mga pari na may mahalagang tungkulin sa iba’t ibang diyosesis sa buong mundo.

Sa pagkakatalaga kay Msgr. Ligot, muling pinatutunayan ang masiglang ambag ng mga Pilipinong pari at obispo sa paglilingkod sa iba’t ibang bansa.

Matatandaang kinikilala ng SimbahanD ang mahalagang papel ng mga Pilipino sa pandaigdigang misyon ng pagpapalaganap ng Ebanghelyo, lalo na sa iba’t ibang bansa kabilang na sa Estados Unidos kung saan may malaking bilang ng mga mananampalatayang Pilipino.

source:
https://press.vatican.va/content/salastampa/it/bollettino/pubblico/2025/08/29/0600/01045.html#california

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 181,608 total views

 181,608 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 203,718 total views

 203,718 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 275,535 total views

 275,535 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 264,997 total views

 264,997 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top