Pangulong Marcos, nakahandang magpa-lifestyle check

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,908 total reads

Tiniyak ng palasyo na handa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sumailalim sa lifestyle check.

Ito ay kasabay na rin ng hamon ng Pangulo sa lahat ng opisyal ng pamahalaan kasabay ng lahat ng opisyal at kawani ng Executive Department, sa harap ng kontrobersiya sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, “Lahat ng parte ng ehekutibo ay ready for lifestyle check… pati po ang Pangulo ay ready!”

Sinabi pa ni Castro na bukas din ang Pangulo na ipakita ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), kung kinakailangan at bilang bahagi ng proseso.

Una ng sinabi ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na inaasahan niyang dumaan si Marcos sa lifestyle check at iginiit na mas magiging makahulugan at kapani-paniwala kung isasapubliko rin ng Pangulo ang kanyang SALN.

“’Wag po tayong lumayo sa isyu. Ang isyu po ngayon ay habulin ang mga sangkot sa flood control projects,” paliwanag naman ni Castro.

Nilinaw naman ng Palasyo na may kapangyarihan ang Office of the Ombudsman bilang isang independent constitutional body na magsimula at magtakda ng mekanismo para sa naturang lifestyle check.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 17,896 total reads

 17,896 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 55,665 total reads

 55,665 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 73,876 total reads

 73,876 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 158,204 total reads

 158,204 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 194,720 total reads

 194,720 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top