Huwag magpasilaw sa pera, panawagan ni Bishop Pabillo sa mga mamamahayag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,508 total reads

Ipinapaalala ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mga mamamahayag na huwag papasilaw sa perang inaalok ng mga negosyante, pulitiko at may katungkulan sa pamahalaan higit na kung mula ito sa katiwalian.

Ito ang panawagan ni Bishop Pabillo sa mga balitang sangkot ang ilang mamamahayag sa pagtanggap ng pera kapalit ng paghahayag sa yaman ng mga hinihinalang sangkot sa korapsyon.

“Dito po sana malaki ang tulong sa atin ng mga mamamahayag, ng mga journalist kapag sila ay tapat sa panawagang ito na huwag silang magpagamit sa mga tao na nagnanakaw na maari silang bayaran,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Ikinatwiran ng Obispo na marami sa mga Pilipino ang pinapahirapan ng mga katiwalian na dapat sana ay ginamit sa pag-ahon ng mga mahihirap at pagresolba sa problema ng baha.

Ipinagdarasal ni Bishop Pabillo na maghari sa puso ng mga mamamahayag na gamitin ang kanilang propesyon upang ipakita sa publiko ang hirap na dinaranas ng mga Pilipino upang higit na mahimok ang pamahalaan na tugunan at isaayos ang pamumuhay ng mga Pilipinong maituturing na ‘Most Vulnerable Sector’ tuwing nakakaranas ng anumang uri ng sakuna ang Pilipinas.

“Sana maging matapang sila na sabihin ang katotohanan at ihayag ang mga pagnakakaw sa pamahalaan, kahit na sa pribadong sektor kaya nananawgan po tayo sa mga mamamahayag na sana maging kaanib natin sila sa panawagang huwag kang magnakaw!,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Ayon sa datos ng United Nations (UN) at World Economic Forum (WEF), tinatayang umaabot sa 571-Billion Pesos o 10-Billion US Dolllars ang nawawala sa ekonomiya ng Pilipinas kada taon dahil sa illicit financial flows na kaugnay ng iba’t ibang uri ng katiwalian at korapsyon.

Habang ayon sa mga pag-aaral ng Asian Development Bank, isa hanggang dalawang porsyento ang nalulugi o nawawala sa dapat sana patuloy na paglago ng Gross Domestic Product Growth Rate ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 77,068 total reads

 77,068 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,809 total reads

 111,809 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 147,109 total reads

 147,109 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,378 total reads

 373,378 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,602 total reads

 262,602 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top