Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,235 total reads

Homiliya para sa Agosto 29, 2025, Sabado ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon, Kapistahan ng Pagpapakasakit ni San Juan Bautista (Marcos 6:17–29)

Nabasa ko kaninang umaga ang kolum ng batikang peryodista sa Philippine Daily Inquirer na si Ceres Doyo. Ang pamagat ng column niya ay: “Sickening Display of Wealth Porn”. Paano ba natin Tatagalugin iyon? Nakakasukang Paglalantad ng Mahalay na Karangyaan. Pasensya na po at wala akong ibang maisip na translation para sa PORN kundi MAHALAY. Limitado lang kasi ang bokabularyo ko.

Tinukoy ni Ceres Doyo sa kolum niya ang kontrobersyal na interbyu na ginawa ng dalawang kapwa niya peryodista sa mag-asawang kontratista na harap-harapang nagdispley ng mansion nila na may malaking garahe para sa apatnapung mga luxury cars na mula daw sa yaman na kinita nila mula sa mga kontratang tinanggap nila sa DPWH.

MAHALAY ang tawag natin sa Tagalog kapag inilalantad ng tao sa publiko pati ang mga pribadong parte ng katawan at mga pribadong aktibidad sa kama. Mahalay, kapag ang dapat nilang ikahiya ay ipinagmamalaki pa, kapag ang dapat itinatago ay kusang inilalantad at ipinagyayabang pa. Mahalay kapag ang lifestyle at ganitong paraan ng biglang pagyaman ay ginagawa pang huwaran ng pag-asenso sa buhay, kapag ang tiwaling kabuhayan ay itinuturing na halimbawa ng diskarte sa buhay. Mahalay kapag ipinopost pa ng mga anak-ng-pulitiko sa social media na ang bill ng kinain nilang dinner sa isang high-end na restoran para sa apat katao ay umabot ng 760k piso, halaga na ni hindi kayang kitain ng isang manggagawa kahit sa loob ng tatlong taon. Di ba mahalay ang magpasasa nang ganoon gayong alam mong ang nakararami sa atin bayan ay halos hindi maitawid sa gutom ang pamilya kahit maghapon pa silang kumayod na parang kalabaw, dahil kakarampot lang ang kanilang sinasahod? Mahalay kapag ang kumakayod na tatay ng anim na anak ay aarestuhin, ikukulong, at kakasuhan ng illegal gambling ng kara y krus ng kapulisan, gayong walang naaaresto, nakukulong at nakakasuhan sa mga naglulustay sa bilyon-bilyon na pera ng taumbayan sa mga ghost projects na flood control. Lalong mahalay dahil legal na ang online gambling sa bawat cellphone 24/7, at ang gubyerno na mismo ang gambling lord. Mahalay kapag imbes na ikahiya ang pagpatay ay ipinagmamalaki pa ito; at kapag ang mismong mga mambabatas at mga dapat magpatupad ng batas ay walang paggalang sa batas—sila mismo.

Ganitong-ganito rin, sa tingin ko ang layunin ni San Markos sa kuwento niya sa Gospel reading natin ngayon sa araw ng Paggunita sa Pagpapakasakit ni San Juan Bautista. Saan ka ba naman makakakita ng birthday party na ang lasing na gubernador, naaliw lang sa sayaw ng anak na dalaga ng kabit niya ay handang ibigay sa kanya maging kalahati ng kaharian— na hindi naman kanya? Saan ka makakakita ng kainan na ang laman ng isang bandehado ay pugot na ulo ng nakadilat na propeta bilang gantimpala sa maharot na sayaw ng dalaga na humiling dito dahil sumunod lang sa utos ng nanay niya? Tawagin natin itong power-porn o “mahalay na paglalantad ng kapangyarihan”. At lalong mahalay dahil ang bayan, imbes na masuka ay pumapalakpak, nag-eenjoy, aliw-na-aliw na nanonood sa mga berdugong nakabonnet at nakamaskara.

Mabuti pa ang mga berdugo, may konti pang hiya na natitira. Tinatakpan muna ang ulo at mukha bago pupugutan ang ulo ng propeta. Ang mahalay na kamatayan ng propeta Juan Bautista ay susundan pa ng mas mahalay at di hamak na nakasisindak na pagpaslang sa Anak ng Diyos: isang eksenang di hamak na mas nakaririmarim—hubo’t hubad na ibinitin sa krus, bugbog-sarado at duguan, may koronang krus. Larawan ng makahayop na kalupitan, pinaglaruan at pinasipsip pa ng murang alak mula sa esponghang nakatali sa dulo ng isang patpat na ipinapahid sa puwet ng mga sundalong Romano sa kalbaryo.

Kailangan nating marimarim at masuka sa kahalayan upang tayo’y mahimasmasan at upang mapanumbalik ang ating pagiging maginoo, disente at makatao sa lipunang masyado nang pinabulok ng korapsyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,542 total reads

 72,542 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,731 total reads

 107,731 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 143,031 total reads

 143,031 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 369,300 total reads

 369,300 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,716 total reads

 258,716 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 14,165 total reads

 14,165 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 19,811 total reads

 19,811 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 19,078 total reads

 19,078 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top