VeritasPH

The Word, The Truth

 199 total views

Mga Kapanalig, sa pagbubukas ng isang bagong taon, may naghihintay na isang malaki at mahalagang pagbabagong maaaring maganap sa buhay ng ating mga kababayang Muslim.

Gaganapin sa ika-21 ng Enero ang isang makasaysayang plebesito sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao, o ARMM, kung saan sasang-ayunan o tatanggihan ng mga nakatira roon ang pagtatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, o BARMM. Matatandaang noong Hulyo ng nakaraang taon, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Bangsamoro Organic Law, o BOL, na ipinasá ng Kongreso bilang pagsasakatuparan ng isang kasunduang napagtibay ng pamahalaang Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front o MILF matapos ang maraming taóng pag-uusap upang wakasan ang digmaan sa pagitan nila. Nakikita ng maraming Muslim sa Mindanao, pati na ang ibang mga Pilipinong di-Muslim, na maaaring maging daan ang pagsasabatas ng BOL tungo sa kaunlaran at kapayapaan sa maraming lugar sa Mindanao. Makatutulong daw ito lalo na sa mga hindi nakararanas ng kaunlaran at hindi naaabot ng mga serbisyong pampubliko dahil sa kaguluhan at digmaan. Nakikita rin itong simula ng pagsasakatuparan ng matagal nang inaasam-asam ng ating mga kababayang Muslim na sariling pamamahala.

Upang ganap na maipatupad ang naturang batas, kailangang sumang-ayon ang mga naninirahan sa itatalagang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, hindi lamang sa pagtatalaga ng teritoryong ito, kundi sa pagtatatag rin ng isang istruktura ng pamamahalang magpapatakbo ng pamahalaan sa loob ng naturang teritoryo. Bahagi ng istrukturang ito ang pagkakaroon ng isang Pamahalaang Bangsamoro, o Bangsamoro Government, na sumasailalim sa Saligang Batas ng Pilipinas at sa pangkalahatang pagsubaybay, o “general supervision” ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Magkakaroon ang Pamahalaang Bangsamoro ng sariling punong-tagapamahala na tatawaging Chief Minister, sariling lehislatura o parlyamento, at sariling hudikatura.

Kapag nasang-ayunan ng karamihan ng nasasakop ng BARMM ang BOL sa darating na plebesito, malilikha ang isang Bangsamoro Transition Authority upang pamunuan ang paglilipat ng kasalukuyang pamamahala sa ARMM tungo sa BARMM.  Ang unang regulár na halalan para sa Pamahalaang Bangsamoro ay gaganapin sa taóng 2022.

Mga Kapanalig, hindi marahil ganap na nauunawaan ng marami sa ating mga kababayang di-Muslim ang kahalagahan ng plebesitong darating at ng pagkakaroon ng isang Pamahalaang Bangsamoro sa teritoryo ng BARMM. Marami marahil ang may agam-agam, natatakot, o sadyang walang tiwala sa kakayahan ng ating mga kapatid na Muslim na pamahalaan ang kanilang sarili at ang kanilang kaunlaran. Dapat nating alalahaning mahaba at masinop ang naging proseso ng usapang-pangkapayapaang nagbunga ng kasunduang naging batayan ng Kongreso sa pagsasabatas ng BOL. Napakahaba na rin ng paghihintay ng mga kababayan natin sa Mindanao para sa kapayapaan.

Maging ang katuruan ng ating Simbahang Katolika ay sinasang-ayunan ang prinsipyo ng sariling pamamahala ng mga tao, lalung-lalo na ang mga taong napag-iwanan ng kaunlaran, silang nasa laylayan kung tawagin, at ang mga matagal nang naisantabi ng lipunan. Ito ay upang sila ay magkaroon ng higit na pakikilahok at pakikibahagi sa kanilang kaunlaran. Hinihingi rin ito ng katarungan. Naipagkait sa mahabang panahon sa mga kapatid nating Muslim ang karapatan nilang pamahalaan ang lupaing kanilang nakagisnan, pinagyaman, at ipinagtanggol laban sa mga dayuhang mananakop ngunit sinakop lamang ng mga kapwa nila Pilipino. Ang pagwawasto sa pagkakait ng katarungang dulot ng kasaysayan, o masasabi sa wikang Ingles na “historical injustice”, ang nasa puso ng BOL at pagtatatag ng BARMM.

Mga Kapanalig, mahalagang mapakinggan sa darating na plebesito ang boses ng mga napagkaitan ng kasaysayan ng katarungan. Ipanalangin nating maging mapayapa, malinis, at maayos ang pagdaraos ng plebesitong ito.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 12,526 total views

 12,526 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 20,511 total views

 20,511 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 28,047 total views

 28,047 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 44,032 total views

 44,032 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 52,076 total views

 52,076 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 12,527 total views

 12,527 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 20,512 total views

 20,512 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 28,048 total views

 28,048 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 44,033 total views

 44,033 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 52,077 total views

 52,077 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,056 total views

 46,056 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,481 total views

 44,481 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,267 total views

 46,267 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,192 total views

 43,192 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,506 total views

 57,506 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,196 total views

 61,196 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,799 total views

 59,799 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,786 total views

 69,786 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,754 total views

 73,754 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,641 total views

 84,641 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top