Tagumpay ng Bangsamoro Organic Law, nakadepende sa magpapatupad ng batas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 493 total reads

Nakadepende sa mga tagapagpatupad ng batas kung paano ito makakatulong o makakaapekto sa mas nakararami.

Ito ang ibinahagi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity kaugnay sa nakatakdang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law sa Mindanao.

Ipinaliwanag ng Obispo na hindi masosolusyunan ng anumang batas ang mga suliraning panlipunan sapagkat nakasalalay pa rin sa mga tagapagpatupad nito ang magiging epekto.

Dahil dito, binigyang diin ni Bishop Pabillo na hindi mareresolba ang problema sa kahirapan, kaguluhan at kawalan ng kapayapaan sa Mindanao kung walang puso para sa mahihirap at katutubo ang mga taong magpapatupad ng BOL.

“Alam niyo hindi naman maso-solve ang isang problema sa pamamagitan ng batas di-depende yan sa mga tao na magpapatupad. Kung yung mga tao ay talagang may puso sa mga mahihirap lalong lalo na sa mga katutubo ay maaring magkaroon ng bisa kasi ang problema ay ang kahirapan, ng injustice at sana yung batas ay makatulong dun pero magdidepende yan sa nag-i-implement ng batas…” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Dahil dito, iginiit ng Obispo na mahalaga ang partisipasyon ng bawat isa upang tuluyang magkaroon ng bisa at kung tatanggapin ang Bangsamoro Organic Law sa rehiyon.

Naunang inihayag ng Legal Network for Truthful Election na dapat na malaman ng mga mamamayan na hindi lamang May 2019 Midterm Elections ang magaganap at kinakailangang bantayang halalan sa bansa ngayong taon kundi maging ang nakatakdang plebisito para sa bagong Bangsamoro Organic Law.

Sa inilabas na panuntunan o guidelines ng Commission on Elections (COMELEC), unang isasagawa ang plebisito sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, Cotabato City at Isabela City, Basilan sa ika-21 ng Enero habang ang iba namang mga teritoryo ay boboto naman sa ika-6 ng Pebrero.

Kapag nasang-ayunan ng karamihan ng nasasakop ng BARMM ang BOL sa darating na plebesito ay malilikha ang isang Bangsamoro Transition Authority upang pamunuan ang paglilipat ng kasalukuyang pamamahala sa ARMM tungo sa BARMM.

Ang unang regular na halalan para sa Pamahalaang Bangsamoro ay gaganapin sa taóng 2022.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 5,775 total reads

 5,775 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 41,055 total reads

 41,055 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 77,539 total reads

 77,539 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 95,750 total reads

 95,750 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 179,772 total reads

 179,772 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,978 total reads

 38,978 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top