Diocese ng Tagum, handa na sa Traslacion ng Poong Hesus Nazareno.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 324 total views

Nakahanda na ang Diyosesis ng Tagum sa isasagawang taunang pagdiriwang ng Traslacion ng Poong Hesus Nazareno.

Ito na ang ikatlong taon ng Traslacion sa Tagum na nagsimula noong 2017 makaraang magbigay ng ‘pilgrim image ng Poong Hesus Nazareno’ ang pamunuan ng Quiapo church sa Tagum para mga deboto ng Nazareno sa bahagi ng Mindanao.

Ayon kay Fr. Emmerson Luego, social action center director ng diyosesis, araw ng Martes ay ililipat na sa old cathedral ng Christ the King ang imahe para sa isasagawang Traslacion pabalik ng Sagrado Corazon De Jesus Parish sa ika-9 ng Enero.

“Sa lahat ng mga deboto hindi lamang sa diocese ng Tagum kundi maging sa Davao region at malapit na siyudad at probinsya, inaanyayahan po naming kayo na makasali sa bawat taon na pagdiriwang ng ‘Itim na Nazareno’. Welcome po kayong lahat para makiisa sa pagdiriwang,” ayon kay Fr. Luego.

Naunang inihayag ni Msgr.Hernando Coronel, rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene na ang bawat mananampalataya ay bahagi ng kuwento ng Poong Hesus Nazareno.

Read: Bawat isa bahagi ng kwento ng pag-ibig ni Nuestro Padre Hesus Nazareno

Magsisimula naman ang misa alas-4 ng madaling araw hanggang sa ika-10 ng gabi.

Ito ay upang bigyang pagkakataon ang iba pang mga deboto ng Nazareno na makapagsimba bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng kapistahan kung saan higit sa 10 libo ang mga debotong nakiisa.

Sa Cagayan de Oro, may higit sa 200 libo ang nakikiisa sa Traslacion habang umaabot naman sa 20 milyon ang mga deboto nakikiisa sa Quiapo church sa Maynila.

Tema ngayong taon ng Traslacion ang ‘Hinirang at Pinili upang maging lingkod.’

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 134,537 total views

 134,537 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 258,948 total views

 258,948 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 297,991 total views

 297,991 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 370,064 total views

 370,064 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top